Chapter 1: The Reunion

98 7 3
                                    

[Nathan's POV]

Hi! My name is Nathan!

Kakagising ko lang. Anong oras na ba? 6 pm. Ang tagal naman ng siesta ko. Haaaaaay …. Medyo masakit tuloy ang ulo ko.

May nagtext. Si Alex. Tropa ko.

From Alex: Pare! Pupunta ka ba?

Nagreply naman ako agad.

To Alex: Saan? Anong meron?

From Alex: Sa Grand Terrace! Ano ka ba reunion natin ngayon. Batch ’12. Remember?

To Alex: Aish! Oo nga noh! What time nga ba?

From Alex: 7:30pm. Take note. Formal  attire.

To Alex: Okay. Got it. See you later.

Wew! Reunion pala namin ngayon. High school life! Nakakamiss! Sobra! Ano na kayang itsura ng mga classmates ko dati? Excited na ako. Sumugod na ako sa cr para maligo…..

“Anak. May lakad ka?”

“Reunion po namin ng batchmates ko nung high school. Sa Grand Terrace po. 7:30 pm.”

“Ganon ba? Naku! Bilisan mo. Pagabi na baka wala ka nang masakyan niyan.”

“Sige po.”

Kinuha ko ang long sleeves, pants, neck tie, vest and black shoes. GWAPO! Haha konti ayos ng hairstyle. Ayos! Ready to go.

“Uy! Ang gwapo naman ng anak ko! Pakiss nga!”

Syempre pinagbigyan ko ang nanay ko. Good boy ako eh. Nagpicturan kami ni nanay. Ganyan kami kaclose.

“Sige na. Baka malate ka pa eh. Ingat ka ha.”

“Yes, ma! Bye!”

“Text ka na lang kapag pauwi ka na ha.”

Tumango lang ako. Sumakay ako ng fx kahit medyo awkward dahil sa suot ko. Soundtrip muna habang nasa biyahe. Iniimagine ko yung mga mga itsura ng mga batchmates. Ano kayang pinagbago nila after 3 years? Ano kayang pinagbago niya? Si Chloe. Ang crush ko nung elementary na minahal ko rin nung maging high school kami. Sinubukan ko siyang ligawan ng ilang beses. Pero basted pa rin … Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Handa ba akong makita siya ulit?

Narealize kong malapit na pala ako sa venue.

“Sa tabi lang po.”

Pagpunta ko ng venue may isang table na nakalagay sa may lobby at may dalawang lalaking nakaupo.

“Sir. Ano pong name nila?”

“Nathan Javier.”

Chineck nila yung guest lists.

“Pasok po kayo.”

Pumasok ako sa venue. Sila ba talaga ang mga classmates ko 3 years ago? Ang dami nang nagbago.

“Nathan!!!” patakbo silang lumapit sa akin.

“Group hug!!!” sigaw ni Enzo.

Nagyakapan kaming apat. Ang mga barkada ko nung high school, sila rin ang mga kabanda ko noon. Nagkumustahan kami tapos pumwesto kami sa isang table. Binalikan namin ang mga masasayang alaala naming noon. Karamihan nun puro kalokohan. Unti-unti dumarami ang mga dumadating. Maya-maya may lumapit na magandang babae sa table namin …

“Nathan! Ikaw na ba yan?”

Come Back For Me (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon