[Gwen's POV]
Kakagaling ko lang sa isang party pero umalis na rin ako. Gusto ko kasing samahan si Nathan. Alam kong kelangan niya ng makakausap. Aynako! Hanggang ngayon ba naman kasi ang lakas pa rin ng tama niya kay Chloe. Yung dati kong friend na bumasted kay Nathan.
Aray! Ang sakit naman sa paa nitong shoes ko.
“Wait lang!” sabi ko.
Tinanggal ko tong pesteng 4 inch heels no shoes ko. Namumula yung heel ng paa ko. Tinawanan ako ni Nathan. Loko ko to ah! Pero at least ngumiti siya… Yan ang trabaho ko kapag emo siya, ang pangitiin siya.
“Haaaaaaaaay …. Ang sakit na ng paa ko!”
“Kaya pala gusto mo nang umuwi.” He smirks.
“Hindi talaga ako sanay eh. Pinilit lang ako ni mommy. Buti nga nasurvive ko ‘to.” Sabi ko.
“Buhatin na kita.” Sabi niya. What?
“Huwag na! Kaya ko na ‘to. Maglalakad na lang ako ng nakapaa.” Sabi ko kahit medyo masakit kapag nilalakad ko ang paa ko.
Binuhat pa rin niya ako. I squeal. O///////O
Tumawa siya. Argh! He winced.Wait! Yung kamay niya nga pala may sugat.
“Ibaba mo na ako.” I demand.
He did. He checks his hand and it’s still bleeding.
“Dalhin na kita sa clinic.”
“No. I’m fine.”
“Come on. I insist.”
Nag-iinarte ka ah! Aynako! Buti may bukas pang clinic sa oras na ito. Ewww… Ang arte lang? Tinahi yung kamay niya. Pagkalabas sa clinic, naglakad kami papunta sakayan ng fx.
"Wait." Sabi niya.
Pumunta siya dun sa isang vending machine ng drinks sa tapat ng saradong store. Kumuha siya ng isang Cola at maraming beer. Maraming beer! Iinom na naman siya?! Ganyan talaga siya kapag emo. Umiinom ng alak. Binigay niya sa akin yung Cola.
"Uy! Iinom ka na naman?! Uwi na tayo!" sabi ko. Hala! Hindi nakinig sa akin. Pumwesto na dun sa bangketa at nagbukas na ng isang lata. Ako naman itong si tanga, tumabi na lang ako sa kanya.
"Ang sakit, Gwen! Sobrang sakit!" sabi niya.
"Ng sugat mo?" ^___^ Ang corny ko! XD Eh kasi naman mag-eemote na naman siya about kay Chloe. Lagi naman eh!
He gives me a death glare. Katakot! "Ikaw naman. Di mabiro." Sabi ko.
Natahimik siya tapos lumuha siya. Kung titignan mo siya. Siya yung tipo ng taong hindi iiyak. Ang tapang kaya nito. Nakipagsapakan nga siya sa nang-bully sa akin noon eh. Pero pagdating kay Chloe… sobrang iyak siya. Minsan parang ako ang nahuhurt kapag nakikita ko siyang umiyak. Katulad ngayon.
"Uy! Ano ba yan?! Umiiyak ka na naman!" di ako pinansin. Loko to ah! Panay lang ang inom ng beer. Naka-walong lata na siya ng nagsalita siya ulit.
"Bakit ganun? Nag-effort naman ako ng sobra-sobra sa kanya ah." Sabi niya.
Inom ng isang latang beer.
"Minahal ko naman siya ng totoo."
Inom ng isang latang beer.
"Bakit di niya ako kayang mahalin? Di ko naman siya sasaktan ah."
BINABASA MO ANG
Come Back For Me (ON HOLD)
Fiksi RemajaMeron kang bestfriend at di ka sure kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.... isang araw umamin siya na may gusto siya sayo di mo alam kung paano ka magrereact... nasaktan siya nang husto. sinubukan mo siyang kausapin pero may nangyaring hindi...