[Nathan's POV]
I wake up to a feeling of a warm, fluffy blanket. Feeling the soft cotton of my bed underneath me, I sigh. I sit up immediately. This turns out to be a bad idea though, as I feel a jolt of pain course through my whole body. My right hand and legs, in particular, feel like their burning. My head is also spinning. Argh! Tang ina! Nakainom na naman yata ako kagabi kaya nagi-English na naman ako. Nahiga ulit ako at pumikit. Nakakahilo talaga. Shit! Napadilat ako bigla. Ano na naman kayang nagawa ko kagabi? Sana hindi kahiya-hiya. Napaisip ako kung anong nangyari kagabi. Si Gwen. Napakaganda sa suot niyang black dress. Yung pagngiti niya. Yung pagyakap niya sa akin. Yung paghalik ko sa noo niya. Yung pagtakbo namin. Pakiramdam ko talaga malayang-malaya ako noon... tapos nagtawanan kami... magkahawak ang aming mga kamay. Namalayan ko na lang na ngiting-ngiti na ako. Natawa ako bigla.
"Iba ka talaga, best friend. Iniisip pa lang kita, napapangiti mo na ako." sabi ko sa hangin.
May kumatok sa kwarto ko.
"Nak?"
Pumasok na si mama nang makita niyang gising na ako. Lumapit siya at hinaplos-haplos ang buhok ko.
"Good morning, ma." sabi ko habang nakangiti.
"Good morning din, nak. Ang ganda yata ng gising mo ngayon ah? Hmm... Bakit kaya?" tanong ni mama.
Hindi ko rin alam basta nakangiti pa rin ako.
"Ay. Ganun? Kain na nga tayo ng breakfast." sabi ni mama tapos hinihila ako sa kama.
"Ma! Kaya ko na bumangon mag-isa. Nahihilo ako lalo eh." saway ko.
Kinurot ni mama ang ilong ko. Aray!
"Uminom ka na naman kasing bata ka eh!" sabi ni mama. "Sumunod ka na lang sa hapag-kainan."
Tumango-tango lang ako tapos inayos ko na yung kama ko. Medyo nahirapan nga ako eh. May sugat nga pala ako sa kamay. Naalala ko bigla si Chloe. No! I won't let anything ruin my mood. Not today.
Lumabas ako sa kwarto at napatingin ako sa bandang hapag-kainan. Medyo nanibago ako kasi imbes na isa lang ang makakasalo sa almusal eh naging dalawa na.
"Gwen!"
Nagulat siya at naaligaga. Halata ring namula siya. Nahihiya siguro siya dahil sa suot niyang nightgown.
"Mukha kang nanay sa suot mo!" pang-aasar ko.
"Hoy! Excuse me lang bata ah?" sabi ni mama.
"Ay. Sorry ma."
Tumingin ulit ako kay Gwen, lalo siyang namumula ngayon. "Good morning!"
"G-Good morning!" sabi niya. "Ahm... Ngiting-ngiti ka yata ha?"
Tumingin ako sa mga mata niya. "Wala 'to." sabi ko.
Umiwas siya ng tingin tapos kumunot ang noo niya.
"Ang weird mo!" sabi ni Gwen.
"Teka nga. Ano ba talagang nangyari kagabi?" sabi ni mama tapos pinagdidikit niya yung dalawang index finger niya. Kayo ba'y--"
"No, tita." bulalas ni Gwen.
"Tumigil ka nga, ma. I'm sure pinag-usapan niyo na ni Gwen yung talagang nangyari kagabi... kung bakit ako naglasing." sabi ko.
Natameme silang dalawa. Nag-iba tuloy ang mood sa paligid ko. Nakatingin sila sa akin na parang may halong awa. Tss... Bakit kasi ang emo ko kagabi?
BINABASA MO ANG
Come Back For Me (ON HOLD)
Teen FictionMeron kang bestfriend at di ka sure kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.... isang araw umamin siya na may gusto siya sayo di mo alam kung paano ka magrereact... nasaktan siya nang husto. sinubukan mo siyang kausapin pero may nangyaring hindi...