Napatingin ako sa kanya. Ang laki na ng pinagbago niya. Ang dating tomboy ngayon babaeng-babae na. Si Gwen, bestfriend ko.
“Bespren!” napatayo ako at niyakap ko siya.
She giggles. “Kumusta ka na? Long time, no see.” Sabi niya.
Bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
“Ito gwapo pa rin naman. Ikaw? Tignan mo naman. Babae ka na at ang ganda-ganda mo ngayon.”
“Bolero!”
“Seryoso! Ang ganda mo kaya.”
Nakatingin lang siya sa akin. Parang di pa rin naconvince sa pagcompliment ko sa kanya. Pero totoo ang sinabi ko. Napakaganda niya.
“Oo na. Naniniwala na ako sa iyo!” Kinurot niya ako sa pisngi ko.
“AW!”
“Ang cute mo talaga.”
“Tara na nga. Upo na tayo.”
There’s never been anything romantic between Gwen and me. When we met, we were in 5th grade. I was sitting alone in the canteen. Then she appears and she was asking me if she can share the table with me. And I let her sit with me. That time, crush ko na si Chloe pero I never had the chance to talk to her kasi nasa kabilang section siya.
Gwen and Chloe were friends since 1st or 2nd grade.
**flashback**
“Classmate! Bakit di mo yata kasama yung friends mo?” tanong ko.
Oo, classmate ko si Gwen but we hardly notice each other in class.
“Ahmm … iba kasi yung schedule ng breaktime nila eh. Nasa kabilang section kasi sila.”
“Oo nga pala noh. Ikaw si Gwen, di ba?”
Tumango lang siya.
“Nathan nga pala.” Sabi ko.
“Alam ko.” Of course she knows my name. Classmates nga kami, di ba? Feeling ko nagmukha akong tanga. Awkward! -___-
Ngumiti lang siya.
Ganun lang kami sa umpisa. Small talk. Hi, hello …. Minsan nagtutulungan kami sa assignments. Nagbabike kami kapag Saturdays o kaya nagmomovie marathon sa bahay niya, minsan sa amin. Nang malaman niyang crush ko si Chloe… ayun panay na ang kwento sa akin tungkol sa buhay ng crush ko. Without knowing best friends na pala kami.
**end of flashback**
Kumustahan. Picturan. Halatang ngayon lang talaga ulit nagkita-kita... Maya-maya lang, may dumating na girl. She’s wearing a pale pink shimmering cocktail dress. Napanganga ako. Feeling ko tumigil ang buong mundo ko. She’s so beautiful. I know her. I know that girl….
She’s the one I love.
BINABASA MO ANG
Come Back For Me (ON HOLD)
Teen FictionMeron kang bestfriend at di ka sure kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.... isang araw umamin siya na may gusto siya sayo di mo alam kung paano ka magrereact... nasaktan siya nang husto. sinubukan mo siyang kausapin pero may nangyaring hindi...