Chapter 7: Secrets
Nathalia’s POV
Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang dahil sa ibinato kong tanong. May dumaan na pag-aalala sa kanyang mga mata pero mabilis din itong nawala. Napansin ko rin ang pagbaba nina Ace at Shantel sa mga hawak nilang baril.
“What do you mean?”
Dahan-dahan niya akong binitiwan bago bumalik sa kinauupuan niya kanina na para bang walang nangyari.
Nagdududa ko siyang tiningnan. “Sino ka ba talaga? May kinalaman ka ba sa nakaraan ko?”
He looked at me in disbelief. “What? I don’t know what you are talking about. Bakit? Nakita mo na ba ako rati?” balik tanong niya sa ‘kin.
Natigilan ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko ba biglang naisip at naitanong ‘yon sa kanya. Gusto kong batukan ang sarili nang dahil sa kahihiyan.
“Hindi pa.”
He shrugged. “That answers your question.” Napatingin siya sa phone niya na nakalapag na ngayon sa ibabaw ng mesa. “Oh. I forgot something. Hindi pa nga pala ako tapos makipag-usap sa—”
Bigla akong natauhan nang maalala ang pinag-uusapan namin kanina.
“Fine!” malakas kong sigaw dahilan para matigilan siya sa akmang pagkuha ng phone niya.
“What did you just say?” Kumunot ang noo niya.
Huminga ako nang malalim at nanginginig kong kinuyom ang kanang kamao ko. “I’ll do what you want. Just pull out your men there already!”
Matalim ko siyang tiningnan. Alam na alam talaga ng demonyong ‘to kung paano ako paiikutin!
I can feel and hear the loud beating of my heart. This is not good. I swear, I could kill this man if something bad happened to my loved ones!
Ngumisi siya nang nakakaloko bago tuluyang inabot ang kanyang phone at muling itinuloy ang pakikipag-usap sa kabilang linya.
“Forget what I said. Pull out all of your men there already,” he ordered, then hung up.
Pilit kong pinakalma ang sarili mula sa pinaghalong galit at pag-aalala na nararamdaman ko. How dare he use my parents and friends to manipulate me? For what? Just for me to say yes to his absurd proposal?
He rubbed his chin and gave me an amused look. “So, you’re really accepting my marriage proposal?” nakangisi niyang tanong.
Marahas akong napabuga ng hininga. “Yes! As if I have a choice!”
He looked at me innocently. “Of course you have. It’s either you make yourself alive and your loved ones alive or all of you will die together.”
I glared at him. He’s not in the right state of mind, that’s for sure!
“Is that even a choice?”
Tumango naman siya. “For me, it is.”
Napahilot ako sa sentido ko. Pakiramdam ko kaya sumasakit ang ulo ko ay nang dahil sa pakikipag-usap ko sa lalaking ‘to.
“Why are you really doing this?”
Tumayo siya at naglakad patungo sa likod ko bago bahagyang dumukwang at bumulong.
“For your and my safety. For you to keep my secret, and for me to keep yours.”
Pakiramdam ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang tumama ang init ng hininga niya roon.
But wait. What?
“What do you mean?” naguguluhan kong tanong at wala sa loob na hinarap ko siya.
But my eyes widened in shock when his lips touched mine. Bigla akong napaatras at napahawak sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓
Action• Capturing Cinderella (Novel) • Mafia Series #1 • Published Under KPub PH Nathalia Sarmiento is just one of those ordinary teenagers who wishes to graduate from college in order to help the people she treated as her real parents, who did nothing bu...