Chapter 1: No Body, No Crime

562 32 267
                                    

Chapter 1: No Body, No Crime

Nathalia’s POV

Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan pagkahinto ko nito sa tapat ng isang mataas na building. Nang masiguro na wala na akong naiwan ay bumaba na ako bago tiningala ang matayog na building sa ‘king harapan.

Malalim akong napabuntonghininga bago nagsimulang maglakad at makisabay sa agos ng mga tao na papasok din sa loob.

Nang makapasok ay agad na bumungad sa ‘kin ang lounge area kung saan ay marami ang mga nakatambay at nagbabasa ng magazine. Nasisiguro ko na ang karamihan sa kanila ay guests nitong hotel.

Hanggang sa maagaw ng naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame ang atensyon ko. Malamig itong tingnan sa mata dahil gawa ito sa crystal.

Nagsimula na akong maglakad sa red carpet na nakalatag sa hallway. Habang sa bawat pillar naman na nadaraanan ko ay mayroong mga indoor plant na nakasabit doon.

Napangiti na lang ako bago tuluyang dumiretso sa reception area.

“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” magalang na bati ng receptionist sa ‘kin habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. It’s not my first time here. Pero kahit ganoon ay hindi naman puwedeng basta-basta ko na lang puntahan ang mga kaibigan ko.

Ilang oras ko kasi silang hinintay kanina sa university para sabay-sabay sana kaming makapagpapirma ng clearance. Pero inabot na lang ako roon ng maghapon ay wala man lang dumating ni isa sa kanila. Ni hindi man lang sila nagre-reply sa mga text at sumasagot sa mga tawag ko. Offline rin sila kaya hindi nila nakikita ang mga chat ko.

“I’m looking for someone. Specifically, there are four of them. They’re working—”

Napahinto ako sa pagsasalita nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na bulto ni Mads. Nakasuot pa siya ng housekeeping uniform at mukhang nagmamadali.

Magsasalita pa sana ang babaeng kaharap ko pero agad akong nagpasalamat at nagpaalam upang sundan ang magaling kong kaibigan.

Dumiretso siya sa isang mahabang pasilyo at binuksan ang pinto sa dulo nito. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako sumunod. Panigurado kasing magugulat siya sa oras na makita niya ako rito. Ilang liko pa ang kanyang ginawa at ilang pinto pa ang kanyang pinasukan na halos hindi ko na matandaan ang daan pabalik.

Bilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na pinupuntahan ko sila rito. Well, the mere fact that they’re not returning any of my texts and calls made me do so today. Sa pagkakaalam ko kasi ay off naman nila ngayon sa trabaho. Kaya naman ay talagang hindi ako mapalagay. Siguro ay kinulang sa staff ang hotel at emergency silang pinatawag.

Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko siya palihim na sinusundan. I just had this weird feeling inside of me, urging me that I should follow her. When in fact, I can just call her attention instead.

Ngunit napakunot ang noo ko nang mapansin na papunta sa basement ang daan na tinatahak niya pababa.

Ano naman kaya ang gagawin niya roon?

Sa pagkakaalam ko ay nagpa-part-time silang apat dito bilang mga housekeeper at bellboy. Kung kaya naman ay nagawa nilang makapasok sa prestihiyosong unibersidad na pinapasukan namin ngayon.

Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon