Chapter 8: The Marriage

184 10 17
                                    

Chapter 8: The Marriage

Nathalia’s POV

“Wow! Hindi ko akalain na may mas igaganda ka pa pala.” Pumalakpak si Shantel habang nakatayo sa likod ko at titig na titig sa ‘kin mula sa salamin na nasa aming harapan.

Samantalang ako naman ay blangko lang ang ekspresyon habang sinusuri ang ayos ko hanggang sa gown na suot ko. Pinatalikod pa ako ni Shantel para masipat ko rin daw ang hitsura ng likod ng suot kong gown. She even looked amazed.

Well, who wouldn’t? It’s a princess-like ivory bridal gown with striking beaded lace embroidery on the plunging neckline over the illusion bodice. Then, the beaded lace cap sleeves flow into the magnificent illusion back with lace accents and button closure. It was paired with four-inch, white embellished satin block heel sandals.

While my ash gray, wavy hair was fixed to a loose updo. It has a few strands out to the front to frame my face and give the style a softer look with a light make-up on and a pair of diamond earrings.

To sum it all up, I actually looked perfect. But I just don’t feel like it.

Because deep inside, I felt empty.

Wala akong imik sa ilang oras na pag-aayos nila sa ‘kin. Kaninang umaga nang may sumundo sa ‘kin mula sa kuwarto ko para ayusan ako ay nagpatangay na lang ako. Hinayaan ko lang sila na gawin kung anuman ang gagawin nila sa ‘kin. Wala rin namang silbi ang anumang pagtutol ko.

Also, the thing is, I already accepted the devil’s offer.

Napabuntonghininga na lang ako at napailing. Parang pinipilipit ang puso ko nang dahil sa mga nangyayari. Pagkatapos ng araw na ‘to ay paniguradong wala na talaga akong kawala mula sa lalaking ‘yon.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na sa ganitong paraan pala ako maikakasal at sa maling tao pa. Sa isang mamamatay tao pa!

Kung tungkol sa preparasyon lang ang pag-uusapan ay wala naman akong maipipintas. Dahil kahit garden wedding ang mangyayari at dito ‘yon sa mansyon idaraos pati na ang reception ay masasabi kong bongga pa rin ito.

I don’t even know how Stephen managed to pull out all of this in just two days. The event organizers, catering services, invitations, my wedding gown—which surprisingly fits me, his tuxedo, the wedding rings, and so on.

Magmula ng malaman ko kung anong klaseng tao talaga siya ay nasisiguro ko na mas marami siyang koneksyon higit pa sa inaakala ko. Pero kahit ganoon ay mahirap pa rin mag-asikaso ng ganitong klase ng kasal sa loob lang ng dalawang araw. Some even spent months preparing their dream wedding to be perfect.

Ayoko mang isipin pero parang planado na talaga ang lahat sa simula pa lang. Kumbaga ay oo ko na lang ang hinihintay niya.

Truth be told, I wasn’t expecting something like this for a shotgun wedding. More importantly, if there are no feelings involved, and it’s just purely business.

Alam kong may mali at hindi pa ako nalalaman. Hindi ko nga lang mawari kung ano at ‘yon ang kailangan kong alamin sa mga susunod na araw.

“Let’s go! Stephen and the guests are already waiting for you.” Shantel genuinely smiled at me.

Napataas ang kilay ko. Isa pa itong babaeng ‘to. Hindi ko alam kung bakit nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa ‘kin nitong mga nakaraang araw. Hindi na niya ako tinatarayan at pinagsasabihan ng kung anu-ano.

Hindi ko agad nagawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Ilang beses ko pang kinurot ang sarili at nagbabakasakali na magigising na ako mula sa bangungot na ‘to.

Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon