Chapter 10: The Lost Stiletto
Nathalia’s POV
Pagkatapos kong kumain ay naisipan ko munang manood ng TV. Habang umupo naman si Cole sa pang-isahang sofa at nakinood rin. Kahit na ang totoo ay gustong-gusto kong malaman ang lagay ni Stephen at gamutin ang sugat niya.
Pero pilit kong pinigilan ang sarili. Wala dapat akong pakielam sa kanya. Kung gusto niya magpakamatay ay bahala siya sa buhay niya. Pabor pa nga sa ‘kin ‘yon kapag nagkataon.
“Gaano katagal ka ng nagtatrabaho kay Stephen?” tanong ko kay Cole habang nakatuon ang mga mata ko sa TV.
Kung tutuusin ay wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko dahil kung saan-saan naman lumilipad ang isip ko.
I saw him smile from my peripheral view.
“Ang totoo po niyan ay bata pa lamang ako ng mapunta sa poder ng mga Anderson. Nakita lang nila akong pagala-gala sa kalsada noon. Tumakas kasi ako sa bahay ampunan na kinalakihan ko dahil hindi ko kasundo ang ibang mga bata na nandoon.”
Narinig ko ang lalim ng kanyang paghinga.
“Kinupkop nila ako. Inalagaan, binihisan, pinag-aral at binigyan ng tahanan. Kaya malaki po ang utang na loob ko sa kanila. Dahil kung nagkataon po na hindi nila ako nakita noong araw na ‘yon ay malamang na wala na po ako ngayon nang dahil sa gutom.”
My lips thinned. Suddenly, I felt pity for him.
Kung tutuusin ay halos kapareho lang din ng kuwento niya ang kina Mads. Ang kaibahan lang ay walang alam ang mga kaibigan ko sa ilegal na gawain ng pamilyang kumupkop sa kanila at sa mismong bahay ampunan sila kinuha.
Umayos ako ng upo at sa pagkakataong ito ay bumaling ako sa kanya. Tuluyan ng nawala sa pinapanood ang atensyon ko.
“Kahit alam mo na mali ang ginagawa nila ay loyal ka pa rin sa kanila? Oo nga at kinupkop ka nila. Kayo. Pero hindi n’yo man lang ba naisip na kaya lang nila kayo tinulungan ay para maging mga tauhan nila balang araw? Dahil nga malaki ang utang na loob n’yo sa kanila ay wala kayong ibang magagawa kung hindi sundin ang anumang gustuhin nila.”
Ngayon ko nasisiguro na kinupkop lang din ng mga Anderson ang karamihan sa mga tauhan nila rito. Malamang na ganoon ang paraan nila para magparami ng tauhan.
It’s a good thing to help others. But it’s not if you’re just helping them out for your own sake.
Sa simula ay mararanasan nila ang maganda at normal na buhay. Pero pagkatapos nito ay parang may taning na rin ang buhay nila sa oras na tuluyan na silang sumapi sa organisasyon.
Ngumiti lang si Cole. Ni hindi man lang siya naapektuhan sa mga sinabi ko.
“Siguro po sa paningin n’yo ay masama ang mga Anderson. Hindi ko naman po kayo masisisi sa bagay na ‘yon.” Pinagsiklop niya ang dalawang kamay.
“Pero gusto ko lang po malaman n’yo na hindi naman po sila kagaya ng iniisip n’yo. Hindi lahat ng kasapi sa underground society ay pare-pareho. May kanya-kanya silang rason kung bakit sila nabuo at kung bakit sila umanib sa madilim na mundo. May kanya-kanyang pinagmulan. Ang iba ay para sa sariling interes at koneksyon. Pero ang mga Anderson po kasama na rin ang iba pa nilang mga kaanib na mafia, ang intensyon po nila ay ang magprotekta.”
Napahinga siya nang malalim bago unti-unting sumeryoso ang mukha. “Pati na rin po ang maghiganti.”
Saglit akong natigilan nang dahil sa huling sinabi niya.
I turned off the TV to reduce the distraction. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Ang makakalap ng impormasyon tungkol kay Stephen.
“What do you mean? Protect who and from what?” Pinilit kong pakaswalin ang boses para hindi halatang atat ako sa magiging sagot niya.
BINABASA MO ANG
Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓
Action• Capturing Cinderella (Novel) • Mafia Series #1 • Published Under KPub PH Nathalia Sarmiento is just one of those ordinary teenagers who wishes to graduate from college in order to help the people she treated as her real parents, who did nothing bu...