Chapter 9: The Bodyguard

183 9 38
                                    

Chapter 9: The Bodyguard

Nathalia’s POV

“How dare you say that to them? We both know the truth!” mahinang sigaw ko sa kanya. Pilit na pinipigilan ko ang sarili na magwala.

Wala na ba talaga siyang ibang naisip na palusot na mas matino pa bukod roon? Tanan? Really?

“Okay lang ‘yan, Thalia. Wala ka namang dapat na ikahiya pa sa ‘min. Kasal na kayo at para ka na rin naming kapatid.” Harold grinned like an idiot.

Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Ang magaling kong mga kaibigan ay nagpaloko naman! Mukha ba akong lihim na nakikipagrelasyon at basta na lang sasama sa kung sino?

Napataas ang kilay ni Stephen at nanghahamong tumitig sa ‘kin. “Then, what do you want me to tell them? The truth? Are you ready for the consequence, if ever?” nang-uuyam niyang bulong.

That made me shut my mouth. Kung ganoon ay sinabi lang pala niya ang totoo sa pamilya ko. Marahil ay napalapit na rin sa kanya sina Mads kaya ayaw na niyang idawit pa ang mga ito hangga’t maaari.

Napailing siya at muntik na akong mapatili nang bigla niya akong hinapit sa beywang.

“Just save your rants for yourself, sweetie. Because it will no longer matter to me. After all, we’re now married.”

Hindi na ako umimik hanggang sa matapos ang reception. Sakto namang nakatanggap ng tawag si Stephen mula sa kung sino dahilan para mabilis niya akong kaladkarin palabas sa function hall. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para makapagpaalam ng maayos kina Mama at sa mga kaibigan ko.

“Teka. Saglit lang naman! Magpapaalam lang ako sa kanila!”

I beg as we continue to ascend on the grand staircase. Pero nanatili lang siyang walang imik habang nagtatagis ang kanyang bagang.

Napailing na lang ako at tumigil sa pagpupumiglas dahil alam kong wala rin naman itong silbi. Magsasayang lang ako ng pagod.

Naikuyom ko na lang ang kabilang kamao ko na hindi niya hawak. Makakuha lang talaga ako ng pagkakataon para makatakas ay agad kong pupuntahan sina Mama. Marami akong gustong itanong sa kanila.

Lalo na ang naging palitan nila ng usapan ni Stephen kanina. Kailangan kong maliwanagan tungkol sa bagay na ‘yon.

Nang makaakyat kami sa ikatlong palapag ay tinahak namin ang malawak na hallway bago tumigil sa tapat ng isang pinto.

This is not the same room that I used these past days. Siguro ay ito na ang magiging kuwarto namin ngayong mag-asawa na kami.

Natigilan ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako. Tapos makakasama ko pa sa iisang kuwarto ang hudyong ‘to!

Binuksan niya ang pinto bago ako muling kinaladkad at pinaupo sa gilid ng kama. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para purihin ang ganda ng kuwarto na ‘to nang dahil sa pagkabahala.

Gusto ko talagang makausap ulit sina Mama. Maikli lang naman kasi ang ibinigay niyang oras para sa ‘min kanina.

I was about to beg again when someone knocked from the open door. Sabay kaming napalingon ni Stephen kay Shantel na nakatayo sa labas.

“I’m sorry to interrupt you two. But...” She looked at Stephen. “The bomb is already set. They’re just waiting for your signal.”

Natulos ako sa kinauupuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa narinig. My heart started to beat erratically because of fear and nervousness.

Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon