Kanta.
Elianne POV's
"Ang tagal naman nila kuya. " sambit ko sa kawalan
"Padating narin yun, baka natagalan lang sa pagbili." sabat naman nitong lalaking kasama ko.
Nakakainip naman dito. Gusto ko nang lumabas.
Maya maya pa aya napadako ang tingin ko kay Estevan, saan naman kaya pupunta tong lalaki na to. Pasimple niyang sinilip ang pintuan."Pwede mo naman akong iwanan dito. " saad ko sa kanya
"Bakit ko naman gagawin yun. " tanong niya naman sa akin
Tsk lalaking to. Di nagiisip,malamang para makapunta na sa next class niya.
Alam ko namang inip na inip na siya dito. Ayaw pa sabihin."Sige na, ako nalang magsasabi kay kuya. " nakangiti kong saad sa kanya.
"Tsk. Wala akong gagawin ngayon." malamig niyang sagot sa akin.
Sus napakasungit naman nitong lalaki na ito. May dalaw siguro to.
Napansin ko ang mga iilang estudyante na napadako ang tingin sa amin, galing sa bintanang gawa sa salamin. Waaaah bakit kasi hindi tinted tong bintana na to. Baka mamaya magiyera na naman ako ng mga babae kanina."Pst. " tawag ko kay Estevan, nang napansin ko yung grupo nang mga babae na nanabunot sa akin kanina.Aasarin ko nga muna tong lalaki na ito.
"What?" iritado niyang sagot sa akin.
"Alam mo ikaw napaka sungit mo, may dalaw kaba ngayon? " pang aasar ko sa kanya.Mukhang effective ha, yung mukha niya parang ewan lang.
"Wth, anong dalaw. Tsk tigilan mo ako babae ka. " masungit niyang saad sa akin.
"Ito naman, may sasabihin lang ako eh. " nakabusangot kong saad sa kanya. Paano kasi napaka seryoso tsk, inaasar lang eh.
"Ano ba kasing gusto mong sabihin? " iritadong tanong niya sa akin.
"Ayown oh, girlfriend mo yun hindi ba? " pang aasar ko sa kanya.
"Ano bang sabi ko sayo kanina? Tsk. Wala akong girlfriend." galit na sagot niya sa akin.
Alam kong iritado na siya sa akin. Halata na sa mukha niya eh. Ang sarap niyang asarin.
"Sus, kunwari kapa.Alam mo bang ang ganda niya." asar ko lalo sa kanya
"Anong maganda doon, yung puno ng make up mukha niya? " saad niya sa akin
Kung sabagay tama naman siya, pero maganda siya kahit makapal ang make up niya. Kitang kita parin naman na maganda siya
"Tignan mo, nakatingin pa sayo. Siguro patay na patay sayo yan. Kasi kanina para siyang papatay ng tao,para sayo." humahalakhak kong saad sa kanya
Tinigilan ko nalang,mukha kasi siyang badtrip na siya sa akin. Kinuha ko nalang yung gitara ko. Namiss kong tumugtog at kumanta ha.Agad namang napatingin si Estevan sa akin, ano kayang iniisip nito?. Hinayaan ko nalang siyang titigan ako.Kinalabit ko ang string ng gitara ko,at sinimulang tumugtog
Sa hindi inaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtog
Damang dama na ang ugong nito
Di paba sapat ang, sakit at lahat
Nang hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta-
Estevan POV's
Marunong pala siyang tumugtog. Yung boses niyang sobrang ganda
Shit nakakabakla naman tong nararamdaman ko.Bat di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo
Napatingin ako sa mata niya. Damang dama niya yung kanta ha.
"Ayos ba? " tanong niya sa akin habang nilalapag ang gitarang hawak niya.
"Pasensiya kana, ito kasi talaga yung hilig ko pag wala akong ginagawa. " nakangiti niyang dagdag.
"Ayos lang naman, marunog ka pala niyan?Sino nagturo? " tanong ko sa kanya
"Si kuya Ezio. " nakangiti niyang sagot sa tanong ko.
Ganun pala talaga sila ka close nang kuya niya."Maayos naba pakiramdam mo.?" tanong ko sa kanya.
Damn Estevan, sa lahat ng pwede mong itanong bat iyon pa. Haist
"Maayos na naman kahit papaano."
Sabay kaming dalawa na napalingon sa pintuang bumukas. Nandito na pala ang tatlong mokong. Ang tagal ng mga hayop.
"Tumugtog ka? "agarang tanong ni Ezio
Siguro napansin niya yung gitarang nasa gilid ng kama ni Eli."Oum ." nakangiting sagot ni Eli sa kanya.
"Wag mong sabihing kumanta ka rin? " takang tanong ni Ezio ulit sa kanya. Itong mokong na ito, anong problema ba nito?
Tanging tango lamang ang ginawad ni Eli sa kanya. Agad naman akong nilingon ni Ezio na may pagtatangka sa mata. Oh!?anong problema nito.
"Anong kinanta mo. " tanong ulit sa kanya ni Ezio habang nagaayos sa mesa.
"Yung kanta na gusto ko." abot tengang ngiti ni Eli
"Tadhana? "tanong ulit sa kanya ni Ezio
"Ouuum" tanging sagot ni Eli
"Akala ko ba sa mga taong mahal mo lang kakantahin iyon. "
Nagulat ako sa narinig ko galing kay Ezio. Seryoso ba siya sa pinagsasabi niya
"Ouuum" sagot naman ni Eli sa kanya
"Tsk. Bakit mo kinanta sa kanya? " naka smirked na tanong ni Ezio sa kanya.
"Kuya, syempre lahat ng mahal mo,mahal ko rin." nakabusangot niyang sagot
Shit. So sa mga mahahalagng tao lang siya kumakanta? Kung ganun, mahalaga ako para sa kanya.Shit
Ano ba itong pinagiisip ko, kakasabi nga lang niya na mahalaga ako kasi mahalaga ako sa kuya niya Tsk
Pero hindi ko mapigilan mapangiti sa narinig ko.Para na tuloy akong si Nathan nito, nakangisi na parang sira ulo."Anong binili mo kuya, gutom na talaga ako eh. " naka pout niyang saad habang hinihimas himas pa ang tiyan niya
Kingina....
"Ano pa nga ba.Your favorite." sagot ni Ezio sa kanya
"Spaghetti?" nakangiting tanong niya kay Ezio.
"Yeah. " maiksing sagot ni Ezio sa kanya
Hindi naman natigil sa pagngisi si Eli. Ganun pala,her favorite food is Spaghetti.Akalain mo yun.Parehas pa kami ng gusto.
Napatingin naman ako kay Eli, kakaiba kumain tong babae na ito, daig mo pa ang baboy kung lumamon. But i admit she's so cute,when she's eating.Kahit nakasalamin mapapansin at mapapansin talaga yung ganda niya, lalo na yung mata niya.She is not my ideal girl but, what does it feel to me? He is the girl na hindi mo magugustuhan talaga,her attitude yun ang magugustuhan mo.
YOU ARE READING
It's just a Dare
Teen FictionElianne Nyx Palermo,isang babaeng walang ibang ginawa kundi mag-aral nang mag-aral and the nerd one. Maniniwala kaya siya sa isang pagmamahal ng isang lalaki,na isang Campus Hearthtrob?O hahayaan niya na lamang ang pagpapakita nito ng isang magandan...