Kabanata 10

10 1 0
                                    

Mata sa Mata..

Elianne POV's

Bakit ba kasi ako pa ang kinuha ni kuya maging audience nila, pwede naman kasi si ate Titania nalang tutal andun si Nathan may gusto sa kanya yun bakit kasi ako pa.

Umupo na lamang ako sa upuan na nasa harapan nila. Narinig ko agad ang pagkalabit ni Nathan sa gitara, so siya pala amg guitarista sa banda?

Ano ba Eli ang tanga tanga mo talaga, natural siya yung naggigitara eh. Halata naman diba, sabi ko aking isip nasisiraan na ata ako.

Napako ang tingin ko kay Estevan, sa paraan pa lang nagpahawak niya sa mikropono ay halatang sanay na sanay na ito sa pagkanta.

Hindi ko inaakalang may talinto palang ganito ang mokong na ito ha.

Sa pag iisip ko narinig ko ang pagtambol ni kuya sa drums.

Everybody' laughing in my mind,

Rumors spreading 'bout this other guy,

Do you do what you did when you did with me?

Does he love you the way I can

Did you forget all the plans that you made with me? 'couse baby I didn't!

That should be me holdin' your hand,

That should be me makin' you laugh

That should be me, this is so sad

That should be me

That should be me

Napansin kong nakatingin siya sa mata ko habang kumakanta. Yung boses niya ang lamig, hindi ko alam pero napapanatag ako tumingin ako sa mga mata niya, damang dama niya yung kanta para bang siya yung mismo ang gumawa sa kantang yun. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdam. Napaka galing niya.

Pinagpatuloy nila ang pag prapractice hanggang sa paglipas nang dalawang kanta ay napagpasiyahan kong bumaba muna para makapag pahinga naman ako kahit saglit. Napagod kaya ako masyado sa kakagala ko kanina.

Napansin kong nakatayo si ate Titania sa gilid nang hagdan, na siguradong ako na naman ang kailangan at pag iinitan.

"Oh kamusta ang panglalandi mo kay Nathan at kay Estevan, hmmm?" mataray niyang saad sa akin.

"Hindi ko naman sila nilandi ate, sinabihan lang ako ni kuya na tignan saglit yung perfirmance na gagawin nila para daw sa banda nila sa eskwelahan." sagot ko namansa kanya at agad na naglakad papuntang sala.
Bago pa ako makaalis ay hinila na niya anf aking braso at agad hinarap sa kanya.

"At saan ka naman pupunta? Kinakausap pa kita wag kang bastos! "

"Magpapahinga lang sana ako saglit ate."

Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. Masakit na yung kuko niyang bumabaon sa balat nang kamay ko.

"Tania! "

Boses ni kuya ang aking narinig hanggang sa tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko, agad na bumaba sila kuya kasama ang mga kaibigan niya. Laking gulat ko nang kinuha ni Nathan ang aking braso at tinignan ito.

"Saan ba masakit? " tanong niya sa akin habang sinusuri ang aking braso

"Hindi naman masakit" sabi ko sa kanya habang pilit na kinukuha ang aking kamay, dahil ayaw ko na mas dahilan pa si ate Titania para magalit sa akin.

Napansin ko ang mata ni Estevan na nakatingin sa braso ko, at agad din naman tumingin sa akin, ano na naman kaya ang problema nanng isang ito. Kanina pa sakin to ah. Tinitigan niya ang mata ko, napansin ko ang pagkalungkot sa mga mata niya, ano bang problema mo lalake ka? Tanong ko sa aking isipan.

Nang napansin niya ang pagtitig ko sa kanya ay agad siyang nag iwas ng tingin sa akin

"Tara na Eli sa sala tayo gagamutin natin yang kamay mo, at kakain narin tayo. Wala paba sila mommy at daddy?" tanong niya sa akin.

"Wala pa kuya mukhang mauuna na tayo baka kasi bukas pa ang uwi nila"

"Okay, Titania tara na" tawag niya kay ate pero agad siyang inirapan nito.

"No way di ako sasabay sa inyo pag kasabay niyo yang sampid na nayan"

"Watch your mounth Tania! " galit na sigaw ni kuya, pero imbes na makinig ito sa kanya padabog lamang itong umakyat sa kanyang kwarto.

"Hasyt, pag pasensiyahan niyo na yun. Alam niyo naman ang ugali nun mga dre" saad niya sa kanyang mga kaibigan habang tinatapik isa isa ang balikat nang mga ito

"Tara na Eli"

Sumunod ako kay kuya nang matapos na ang gabing ito. Masyado akong napagod ngayon araw.Kailangan ko pang mag aral para bukas. At nang makapag pahinga naman ako saglit.

Sorry syper duper late na Update ngayon lang kasi ako nakapag adjust nagka problema lang. Hope na susubaybayan niyo parin. Hihi Super Thankyou pala sa nag vote and read. 💖💜Sana patuloy niuo paring subaybayan ito hihi.
Again Thankyouaomuchhh. 😍💖

It's just a DareWhere stories live. Discover now