Kabanata 7

14 4 0
                                    

Mall.

Elianne POV's

Na tapos ang araw ko sa eskwelahan na iyon. Hayts. Nakakaloka unang pasok ko palang ganun agad ang nangyari.Simula nang nangyari iyon.
Sa paglipas nang araw na pag aaral ko  doon, naging maayos naman kahit papaano.
Weekend ngayon,saan kaya ako pwedeng pumunta.Napag isipan kong mag mall nalang para naman makalabas ako sa bahay. Lagi nalang akong nandito sa loob eh.Agad akong pumasok sa banyo para makaligo.  White v-neck t-shirt at jeans ang suot ko,at rubber shoes na kulay puti.Hindi ako sanay sa seksing damit parang feel ko hindi bagay sa akin,kaya ito nalang.Mas komportable din kasi siyang suotin. Konteng make lang ang nilagay ko sa mukha ko,at agad na sinuot ang aking salamin para makaalis na.

"Good morning bunso." bati ni kuya sa akin habang pababa ako sa hagdan. Agad niya akong tinignan. "May lakad kaba? " tanong ni kuya sa akin. "

"Oo mag ma-mall ako saglit, may bibilhin din kasi ako para sa project ko. "sagot ko sa kanya habang inaayos ang bag na dadalhin ko.

"Hatid na kita?"tanong ni kuya sa akin. Umiling lamang ako sa kanya.

"Baka mapano kapa doon.Hatid na kita" pagpupumilit niya sa akin. Agad ko siyang nilingon at pinagtaasan nang kilay.

"Kuya, hindi na.Promise walang mangyayari sa akin. " pangkukumbensi ko sa kanya. Tumango lamang siya bilang pagsang ayon sa gusto ko. Ngunit bakas parin sa mukha niya na gusto niya talaga akong ihatid. Sinamangutan ko lamang siya. At agad siyang hinalikan sa pisngi para makapag paalam na.

Ang saya ko ngayong araw na ito,makakalabas at makakapag maneho na ako magisa.
Ano kaya pwede kong sakyan dito? Napagdesisyonan ko na Chevrolet Folt nalang ang sasakyan ko. Tutal ay ako lang naman ang mag isa. Agad akong sumakay at pinaandar ito.Binuksan ko ang stereo para magpatugtog. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa nakarating ako sa mall. Pinarada ko ang aking sasakyan sa parking lot at agad pumason sa mall.

"Welcome po ma'am. " pagbati nang guwardiya sa akin. Nginitian ko siya at tuluyang pumasok. Sa paglalakad lakad ko ay nakaramdam ako nang gutom. Pumasok ako sa Jollibee  para makakain na.

"Welcome to Jollibee ma'am. Ano pong order niyo." tanong sa akin nang babae

"Spaghetti and Coke Float please. " agad ko sagot sa kanya.

"Take out po ba ma'am?"tanong niya muli sa akin. Agad akong umiling sa kanya. "Sige po ma'am." sabi niya sakin nang nakangiti.
Naghanap ako nang pwede kong maupuan, buti nalang wala masyadong tao ngayon kaya agad akong nakahanap. Sa paghihintay ko nakatanggap ako nang text galing kay kuya.

Kuya Ezio

Eli, bunso. Saan kana?

Agad akong nagtipa nang mensahe sa kanya.

Ako

Nandito ako sa Jollibee kuya, kakain lang.

Wala pang isang minuto ay nakatanggap ulit ako ng mensahe sa kanya.

Kuya Ezio

Okay,take care. Umuwi kana before 6 pm.

Ako

Yes  kuya.

Pinasok ko ang aking cellphone sa aking bag, dahil sa pagdating nang aking order. Nagsimula ako kumain para makabili na ako nang kailangan ko. Sarap talaga nang spaghetti.Busog na busog ako. Dala dala ko ang Coke Float palabas sa Jollibee,at nagtungo sa school supplies para makauwi na ako, it's already 4 pm na.I have 2 hours left para mamili nang gusto ko.

Pumasok ako sa school supplies at namili.Pumunta muna ako sa bilihan nang mga pang desinyo ko. Habang namimili ako, ay napansin ko ang isang batang babae na nakaupo sa sulok at humihikbi. Agad ko siyang nilapitan.

"Hey, anong ginagawa mo dito bata?" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot. Inalok ko sa kanya ang dala dala kong coke float, nag angat tingin siya sa akin at agad tinanggap ang coke float na binigay ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.

"Naliligaw kaba?Sino kasama mo?"tanong ko sa kanya

"Si kuya po" sagot niya sa akin, habang hinihigop ang float na bigay ko sa kanya. Napangit na lamang ako at nilahad ang aking kamay para makalabas at mahanap ang kuya niya. Di bale nang di ko mabili ang kailangan ko may bukas pa naman. Basta maibalik ko itong batang ito.

"Tara, hanapin natin ang kuya mo" sabi ko sa kanya. Agad niya naman tinanggap ang kamay ko at tumayo.

Lumabas kaming dalawa para mahanap agad ang kuya niya. Napansin kong mahigpit ang kapit niya sa kamay ko,kaya agad ko siyang tinignan.

"Ano nga pala pangalan mo?" naka ngiti kong tanong sa kanya.

"Scarlett po. Kayo po? " tanong niya sa  akin. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.

"Elianne,tawagin mo nalang akong Eli" sagot ko namn sa kanya

"Ah, ate Eli" naka ngiti niyang banggit sa kawalan.

Sa paglalakad namin ay napansin ko ang limang guard na may kinakausap na lalaki. Siguro ito yung kuya niya.

"Scarlett siya ba yung kuya-?" tanong ko sa kanya. Ngunit huli na bago niya ito marinig dahil tumakbo na siya patungo sa lalaking kausap nang mga guwardiya

"Kuya" sigaw niya habang tumatakbo. Agad ko siyang hinabol, dahil baka siya madapa siya. Pero bago ko pa siya mahabol ay natumba siya. Dinaluhan ko siya at tinignan ang tuhod at palad niya kung may sugat ba.

"Ayos ka lang ba Scarlett?May masakit ba sayo?" tanong ko sa kanya.Umiling lamang siya sa akin. Pinatayo ko siya at narinig ang pamilyar na boses galing sa likod ko.

" Shit, Scarlett saan kaba nanggaling.? Kanina pa ako nagaalala kakahanap sayo. " frustrated niyang saad kay Scarlett.

"Sorry Kuya" paghingi nang tawad sa kanya ni Scarlett. "Nakita naman po ako ni ate Eli eh" naka ngiti niyang banggit sa kuya niya. Shit.

"Ate Eli? " takang tanong ng kuya niya sa kanya.I know, si Estevan ang kuya niya, pamilyar na pamilyar sa akin ang boses niya kaya alam kong siya iyon.

"Siya po" saad ni Scarlett habang tinuturo ako. Unti-unti akong lumingon sa likod ko. Tama nga ako si Estevan nga. Kitang kita ko ang gulat sa mata niya.Oh anong problema nito. Daig pa nakakita nang multo. Alam kong nerd ako,pero hindi ako panget

"Ang ganda niya hindi ba kuya" tanong ni Scarlett sa kanya.? Ngunit hindi niya ito sinagot. Nanatili ang mga mata niya sa akin.Sa lahat ba naman nang lugar at sitwasyon pagkakakitaan namin ngayon dito pa sa mall. Tsk iba din.

It's just a DareWhere stories live. Discover now