Kabanata 8

11 4 0
                                    

Bagay kayo..

Estevan POV's

"Ang ganda niya hindi ba kuya?" tanong nang kapatid ko sa akin habang nakatingin sa babaeng nakatalikod sa akin.
Eli? Hindi naman ata si Eli na kapatid ni Ezio to.Unti-unting humarap sa akin ang babaeng sinasabi nang kapatid ko. Shit. Dammit siya nga.Tinignan ko lamang siya sa mata. Anong ginagawa niya dito? Sino ang kasama niya?

"Kuya" tawag ni Scarlett sa akin na napaggising sa aking ulirat. Tangina napansin niya ata ang pagtitig ko sa kanya.

"Saan kaba nagpunta? " tanong ko sa kapatid ko.

"I told you, i need to buy some books. Pero ayaw mo" nakabusangot niyang saad sa akin.

"Sabi ko naman sayo na pwede sa susunod na araw nalang. May pupuntahan si kuya.

"But i want them now" saad niya habang nagsisimula na sa pagiyak. Haist.Mahuhuli ako nito, kailangan ko pang pumunta sa bahay ng babaeng to.Mamaya nagsisimula na ang mga yun sa practice. Nakakaasar naman to.

"But-" apila sa kapatid ko na agad pinigilan ni Eli.

"U-uhm pwede namang ako nalang ang bibili nang mga libro na gusto niya.Kung ayos lang sayo" saad ni Eli sa akin habang pinapatahan ang kapatid ko.

"Shhh. Stop crying na, bibili kita nang books" nakangiti niyang banggit sa kapatid ko.

Dammit. Wala akong choice kundi ang samahan sila. Hindi pwedeng silang dalawa lang,baka mamaya mapagtripan pa sila dito.

"Okay,sasama ako" sagot ko kay Eli

"Akala ko ba may pupuntahan kapa"

"Tsk. Let's go" agad ako naglakad papunta sa national book store na papasukan namin.

"Yeheey" rinig kong sigaw ni Scarlett.

Sa paglalakad kita ko parin ang ibang mga babae na panay tingin sa akin. Tsk,masyado na ata akong gwapo.

"Estevan" napahinto ako sa pagtawag ni Eli sa akin.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Sige na, ako na bahala sa kapatid mo. Hindi naman ako kidnapper ano. Puntahan mo na yung kailangan mong puntahan.Baka ma late kapa sa date mo, sige ka" sabi niya na agad nagpapigil sa akin sa paglalakad. Anong sabi niya? Date? Ako may Date?  Wth.
Binalingan ko siya tingin.

"Wth, wala akong date. Pupunta ako sa bahay niyo. Hindi dahil sa may date ako. May practice kami nang kuya mo sa bahay niyo. Tsk." inis na sabi ko sa kanya. Anong akala niya sa akin. Playboy?

"Oh. Bat ka galit niyan? "

"Tsk. Tara na kailangan na nating magmamadali. Nandun ate ko sa labas. Paniguradong irita na yun sa tagal namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang hinawakan nang kapatid ko ang kamay ko, nakita kong nakahawak din siya sa isang kamay ni Eli. The heck?

"Look oh. Ang gwapo nung boy"

"Oo nga ano"

"Tsaka tignan mo, may kasamang bata at babae"

"Anak siguro nila? "

"Waaaah sayang si kuya"

"Duh. Ang cheap nung girl"

"Pero maganda siya teh. Aminin mo

" Ang cute pa nang anak nila"

Rinig kong bulungan nang mga kababaihan sa paligi namin.Kingina.sinong anak tinutukoy nila,si Scarlett?Tinitigan ko lamang siya habang nakatingin sa kanyang harapan.Nandito na pala kami.Nagsimula na silang pumili nang mga libro na gusto nang kapatid ko. Dahil sa tagal nilang pumili ay napagpasiyahan kong kailangan ko palang itext si Ate at Ezio.

It's just a DareWhere stories live. Discover now