Kabanata 9

12 1 0
                                        

Date..

Estevan POV's

"Nandito na tayo" aniya niya habang tinatanggal ang kanyang seatbelt.

"Ang bata mo pa para magmaneho ha, buti di ka nahuli" saad ko sa kanya. 16 years old palang siya pero bat hinahayaan siyang magmaneho. Agad akong lumabas sa sasakyan niya at sumunod sa kanya.

"Wow! Parang ang tanda mo na ha, kung makapag salita ka. Tsaka isa pa madali lang naman takasan yun HAHA" natatawa niyang sagot sa akin.

"Kuya!"

"Eli! " agad kong nilingon si Ezio, nasa hagdanan ang mga ugok. Sinalubong talaga kami.

"Anong oras na, your late. At bat magkasama kayo? "

"Baka nag date HAHA" sabat ni Anthony nang nakangsi. Tarantado talagang ugok na to.

"Eh kung basagin ko kaya yang pagmumukha mo?" banta ko sa kanya.Tinaas niya naman ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. Kahit kailan talaga tong gago na to.

"Tara na Van, huling huli kana dre." supladong saad ni Ezio sakin, tsk init nang ulo nito. "Eli,punta ka sa taas ha maguusap tayo."

Bumaling ako kay Eli, tumango lamang siya sa sinabi ni Ezio, at agad umakyat. Sumunod ako sa tatlong ugok. Kanina pa sila dada nang dada lalo na tong si Anthony. Napansin ko naman ang pananahimik ni Ethan, tsk ano problema nitong isang to.

Ganda talaga nang bahay nitong si Ezio, kahit ilang beses na akong nakapunta dito naninibago ako.Iba na yung mga disenyo sa bahay tsaka may bago pang kwarto sa may kanan, kanino kaya yun?.

"Bat nga pala kayo nagsabay nang kapatid ko dre? "nagpabasag na tanong ni Ezio sa akin.

"Mahabang istorya dude."

"Kahit pa gaano kahaba yan dre." anas niya sakin habang umuupo sa bakanteng upuan. Umupo rin ako sa gilid niya.

"Bakit di siya yung tanongin mo dre"

"Tsk" tanging sagot niya habang inaayos ang gitara.

"Ano? Magsasabong nalang ba kayong dalawa diyan."nakangiwing sabi ni Anthony. Kahit kailan talaga tong ugok na to walang magandang sinasabi.Tumulong na ako sa pag aayos para makapagsimula na kami, mahirap na pag ikaw yung vocalist sa banda. Bata pa lang ako nakasanayan ko nang kumanta hindi nga alam bat ito yung nakasanayan ko, anag alam ko lang pagkumakanta ako dun ako nakakapagisip nang maayos, wala akong problemang dinadamdam, at panatag ang nararamdaman  ko sa tuwing kumakanta ako.

Pumwesto ako para makapagsimula na, ganun rin ang ginawa nang tatlo.

"oh anong nagpagsunduang kanta?" tanong ni Nath sakin

"Oo nga dre, di tayo nakapagusap tungkol dun. Tsk paano kasi yung isa diyan late na late na vocalist pa naman" pangiinis ni Anthony sakin.Inambahan ko nang sapak ang ugok, inawat naman agad ako ni Ezio, tsk superman talaga tong isa na to. Daldal nang daldal si Anthony nang biglang bukas ang pintuan, si Eli lang pala. May nipalag siyang tray sa mesa at sinilip ko iyon, pagkain lang naman pala. Anong ginagawa niya dito? Wag niyang sasabihing manonood siya?

"Bakit ikaw ang naghatid niyan? Saan sila yaya?" tanong ni Ezio sa kapatid.

"Eh diba sinabi mo akyat ako dito? Kaya sinabay ko nalang din itong pagkain ninyo.

Tumayo naman si Nathan at tinulungan si Eli sa pagaayos nang pagkain sa mesa. Napansin ko ang ngisi nang ugok. Kanina kanina lang para biyernes santo mukha nito, pero ngayon daig pa nanalo sa lotto.

"Salamat"

"Your welcome." nakangiting tugon no Nathan sa kanya.Nginitian naman si ni Eli. Napaiwas tingin ako sa kanilang dalawa, fuck mag focus ka nga Estevan. Ano ba tong nararamdaman ko, ano namang pakealam ko sa kanilang dalawa? Napailing nalamang ako sa aking sarili.

"Eli, bat kayo magkasabay nitong ugok na ito? " tanong ni Ezio sa kapatid habang tinuturo pa ako. Tsk "Saan kayo nagkita? "

"Nagkataon lang kuya, may nakita kasi akong bata kanina sa mall umiiyak, hindi ko naman alam na kapatid niya pala iyon."

"Eh bakit nakisakay siya sayo. "tanong muli ni Ezio sa kapatid,binalingan niyan naman akong nang tingin. "Wala ka bang sasakyan?"

"Ginamit ni ate Emma, tsk. Tsaka siya naman yung nagsabi na sabay na kami tutal dito rin naman ang punta ko. Teka nga muna dre, kung magtanong ka, ay parang may ginawa akong di maganda sa kapatid mo huh. " sagot ko sa kanya. Nakakairita eh, para ako pa may kasalanan ha.

"Nagtanong lang ako dre, kalma tsk." sagot niya naman sa akin. "Pero di talaga kayo nang date? "

What the fuck? Seroiusly? Kami nang date?

"Ngi?Kami mag de date niyan?Hindi ano."sagot ni Eli habang kinukuha ang gitara sa may gilid ko."Isa pa kuya, wala akong panahon sa ganyan. Lalo na sa ganyang mukha. Yan magkakagusto sa akin? Wow just a miracle HAHA.

"Wth, bakit? Ano bang meron sa mukha ko" i said in frustrated tone.

"Yang mukha mo? Ahmm sabihin na nating babaero, in short womanizer"

Sa gulat ko sa sinabi niya ay hindi na ako agad nakapag react.Wtf? Kilala niya ba ako at kung makapagsalita siya ay parang alam na alam niya nangyayari sa buhay ko ha.

"HAHAHAH, dre paano ba yan babaero pala" pangaasar na sabi ni Anthony sakin. Hindi ko siya pinansin, tinitigan ko sa mata si Eli ganun din ang ginawa niya, ako ba hinahamon mong babae ka.

"Shut up Anthony, napakaingay mo talaga"sigaw ni Ezio sa kanya at agad hinarap si Eli. "Bunso, favor sana"

"Ano naman yun kuya? "

"Pwede bang dito ka muna, pakinggan mo lang muna kahit sandali kung maayos ba o hindi yung performance namin" sagot ni Ezio sa kanya.

"Ano? Bakit ako,pagmumukhain mo akong audience kuya?"reklamo niya sa gustong mangyari ni Ezio.

"Oh? Bakit hindi ba pwede yun, tutal nandito kana rin naman. Saglit lang to bunso" pagpupumilit ni Ezio sa kapatid niya, inalalayan niya naman itong umupo sa upuan katapat nang maliit nang stage dito sa music room nila. "Upo ka muna diyan, makikinig at titignan mo lang naman kung maayos yung performance namin."

"Fine" nakabusangot niyang sagot.

"Anong kanta dre? Di tayo makakapagumpisa pag walang nagpagsundung kanta." reklamo ni Nathan sakin. Siya nalang kaya kumanta dito badtrip eh.

"Tsk ikaw nalang kaya kanta dito?"

"Oh kalma lang kasi kayong dalawa"awat samin nung  dalawa.

"That Should Be Me by Justine Bieber, ano ayos na sa inyo yun? " sagot ko sa kanila. Tsk wala akong ibang maisip na kanta.Nasa ibang ibayo ata isip ko ngayon fuck.

"Ayos na yun, maganda yun dre galing mo talaga pumili." nakangising saad ni Antjony sakin at agad nakipag high five ang ugok.

"Okay alam naman namin yung kahit papaano, konting practice lang lalo na sa drum" paliwanag ni Ezio.Kanya kanya na kaming pumunta sa aming pwesto nang makapag simula na. Shit nininerbiyos ako bakit ba kasi nandito tong babae na ito. Makapag focus na nga lang.

It's just a DareWhere stories live. Discover now