Sakit sa puso.
Estevan POV's
Pagpapakilala niya palang sa akin,ay parang may iba. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko.She's damn so pretty, her brown eyes, red lips and her smile. Yung ngiti niyang nakakahawa.
Kaya labis ang pag-aalala ko nang nalaman ko ang nangyari. Dammit that girls, mga hibang na sila masyado sa amin. Kaya pati si Eli nadamay na.
Alam kong nag-aalala ang tatlo, lalo na ang kuya niya.Kanina pa balisa
"Bro, umupo ka nga,kami yung nahihilo sayo eh" rinig kong sambit ni Anthony kay Ezio
"Tsk. "tanging sagot ni Ezio habang umuupo sa bakante upuan na katabi ko.Sabay kaming apat na napalingon sa pag bukas ng pinto ng Clinic.Agad namang tumayo si Ezio para kausapin ang tuminging nurse kay Eli
Alalang alala huh?
"Yung kapatid ko, ayos na ba? "agad na tanong ni Ezio sa babae.
"Yes, ayos na siya. Pero hindi siya pwedeng mapagod Ezio.Dahil napagalaman namin na may sakit pala siya sa puso. " sagot ng babaeng nurse kay Ezio
Damn. May sakit siya sa puso?
Kita ko sa mata ni Ezio na para bang alam na niya na may ganung sakit si Eli. Si Nathan naman masyado kong napaghahalataan ang pag-aalala. At si Anthony naman ay halata ang gulat sa narinig.
"Sige. Salamat nurse. Alam ko na po yun."pagpapasalamat ni Ezio sa nurse.
Saglit kaming nanahimik.
"Tara na. Bakit parang kayo pa yung may sakit,kung mamutla kayo diyan."
Boses ni Ezio ang nagbasag nang katahimikan naming tatlo.
"Bro,may s-akit si Eli? "pag-aalalang tanong ni Nathan.
Tsk. Inlove na ata ting mokong na to ha!.
"Bingi ka ba bro. Oo meron,pero ayos na siya noon eh. Sadyang hindi lang talaga siya pwedeng magpagod. Kaya nga todo bantay ko dun. "nakangiti niyang saad sa amin. Ngunit halata parin sa mukha niya ang pag-aalala
"Kailan pa yung sakit niya tol? "tanong ko sa kanya
"Simula yun nung bata pa kami."sagot ni Ezio sa amin
"Tara na nga. Pasok na tayo sa loob. "
Agad din siyang pumasok sa loob. Sumunod naman sina Anthony at Nathan.
Shit! Ano bang nangyayari sayo Estevan. Bakit ganito yung nararamdaman ko. Fuck it.
Dali-dali rin akong pumasok, para makita kung ayos na ba talaga siya.
Agad siyang napatingin sa akin na para bang nagtataka kung bakit ako nandito.
Kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin.
Upo ako agad sa bakanteng upuan, upang makinig sa kanilang pinaguusapan. Bakas parin sa itsura niya ang panghihina, namumutla at matamlay ang mga mata."Bunso? May masakit ba sayo, magsabi ka."pag-aalalang tanong ni Ezio sa kanya.
"Wala naman po kuya. Medyo masakit lang po Ulo ko. "agad na sagit ni Eli sa kanya
"Ano ba kasing nangyari, ha? "galit na tanong ni Ezio sa kanya,habang kumukuha ng tubig sa lamesang katabi niya.
"Wala po yun kuya. Hindi ko rin naman po kasi alam kong bakit sila ganun sa akin, ang sabi nila ang epal ko daw kasi po dahil sa kanila"sagot ni Eli habang tinuro kaming tatlo isa isa.
"Ay kasama ka na rin pala kuya hmp. " naka pout niyang pahabol.
Dammit. Nagkaganyan na nga siya nagagawa niya pang magsaya. Kakaiba ka talagang babae ka.
"What!?"
"Kuya bingi kaba. Kailangan ko pa ba ulitin. Hindi ka naglinis ng tenga mo ano?
"Wth Eli,sa tingin mo nagbibiro pa ako dito. Baka mapatay ako ni daddy pag nalaman niya ito. galit na sigaw ni Ezio
"Sorry kuya." nakayukong paumanhin ni Eli kay Ezio
"Tsk. Nagugutom kana ba?"tanong ni Ezio sa kanya
"Oo. "sagot naman ni Eli habang nagkakalikot sa libro niya.
Tsk nahimatay na nga, nagaaral parin. Iba talaga din sapak ng babaeng to ah.
"Sigeee,Ako na bibili ng pagkain mo. Bro!? Nathan,Anthony samahan niyo nga muna ako.Ikaw naman Estevan, dito ka nalang pakibantayan kapatid ko ha."
"Baka pwede ako na lang ang magbantay kay Eli pre? "angal Ni Nathan kay Ezio.
"Wala nang hirit pre. Tara na samahan niyo na ako. Hayaan niyo na si Estevan diyan. Wala ka naman atang plano sa kapatid ko ano? "nakangisi niyang sambit sa akin
"Tsk. Gaya mo ako kay Anthony at Nathan" i smriked
"Pero pre-"
"walang pero pero Nath, tara na"
Agad na hinalikan ni Ezio si Eli sa pisngi. Kita ko naman ang pagtingin ni Nathan kay Eli.
Tsk. Mukhang hindi ka matitipuhan niyan tol. Asa ka nalang muna
Interesado masiyado si gago eh."Sige bro, ako bahala dito."malamig kong sabi kay Ezio.
Sa pag alis ng tatlo,ang tahimik. Tsk. Mukhang wala ata tong planong kausapin ako ha.
Ang akward naman nito shit!
Nakatingin lang siya sa akin na para bang ang dumi ng mukha ko. Ano bang problema nang babaeng to.
"Wag mo ako titigan ng ganyan. "cold kong sabi sa kanya
"Sorry, alam mo ba. Gwapo ka sana, kaya lang para kang yelo. Ang cold mo,tapos ang sungit mo pa." nakangiti niyang sambit sa akin
Wth, ano sabi niya? Gwapo? Ako?
Tsk, marami nang nagsasabi sa akin niyan.Pero shit, bat nanginginig ako sa sinabi niya."Alam ko na yun."sagot ko sa kanya,at umupo sa upuang katabi niya.
"Kaya pala ang daming galit sa akin kanina. Kasi ikaw pala yung may ari ng School na ito. "nakanguso niyang sambit sa akin
"Akala siguro nila kilala kita. Kilala nga kita, pero pangalan mo lang. Girlftiend mo ba yun. Kasi parang oo, grabe para siyang leon na kakain ng tao, galit na galit siya sa akin.Nagulat pa ako nung sinabunutan niya ako bigla."nakatinging banggit niya sa akin.
Sa dami dami nang sinabi niya, di ko na nasundan.Ang daldal pala nito. At ano daw? Si Aby? Girlfriend ko? Wtf no way.
"Tsk. Hindi ko girlfriend yun. At lalo wala akong girlfriend."agarang sagot ko sa kanya.
"Hindi naman ako nagtatanong kong may girlfriend ka. Tinanong ko lang naman kung girlfriend mo ba si Aby."tumatawa niyang sambit sa akin.
Shit. Baliw ka talaga Estevan. Bat mo ba sinabi yun, di naman siya nagtatanong.Tsk siraulo na ata ako nito. Pati isip ko kinakausap ko na.
"Pasensiya na,ang dami ko na atang sinabi." sambit niya sa akin at sinarado ang kanyang hawak na libro.
![](https://img.wattpad.com/cover/181699709-288-k984381.jpg)
YOU ARE READING
It's just a Dare
Teen FictionElianne Nyx Palermo,isang babaeng walang ibang ginawa kundi mag-aral nang mag-aral and the nerd one. Maniniwala kaya siya sa isang pagmamahal ng isang lalaki,na isang Campus Hearthtrob?O hahayaan niya na lamang ang pagpapakita nito ng isang magandan...