Action!
Ito na marahil ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Magkahawak-kamay naming nilakad ang kahabaan ng Manila Bay. Mahigit isang oras na rin kaming naglalakad kaya pinili naming umupo, pakiramdaman ang hangin, at panoorin ang paglubog ng araw.
Inilabas ko ang singsing na matagal kong itinago sa bulsa ng aking pantalon at lumuhod sa harap niya.
Sinabi ko ang mga katagang maaring makapagbago sa aming buhay.
Tinitigan niya ang aking mga mata, ngumiti at hinawakan ang aking pisngi. Nagulat ako sa sigaw ni Direk, “Cut!”
Agad niyang binitawan ang aking pisngi at iniwan akong umaasa na sana totoo na lang.
BINABASA MO ANG
Flash Fiction
Historia CortaA compilation of short stories containing 100 words, which includes the title. Every story, it focuses on different genres.