Chuckie
Ngayon ang kaarawan ng kapatid ko. Bitbit ko ang nag-iisang regalong hinihingi niya sa akin taon-taon, isang litro ng paborito niyang inumin. Mabilis akong naglakad at tinungo ang kinaroroonan niya. Inilapag ko ang aking dala at naupo sa tabi niya.
Kinausap ko siya. Sinabi ko sa kaniya na ubusin niya kaagad ang dala ko. Humingi ako ng tawad dahil nahuli ako sa pagdating noong mga panahong kailangan niya ako.
Makalipas ang dalawang oras, tumayo ako at nagpaalam. Pinulot ko ang basura sa palibot ng puntod niya, kasama na ang inaamag na regalo noong nakaraang taon – isang litro ng chuckie.
BINABASA MO ANG
Flash Fiction
KurzgeschichtenA compilation of short stories containing 100 words, which includes the title. Every story, it focuses on different genres.