Ewan
Nasa ilalim kami ng puno ni Amor. Payapa ang paligid kaya rito naming napagpasyahang manatili. Nakaupo siya habang nakasandal sa puno samantalang ako, nakahiga sa damuhan.
Ilang saglit lang, tumayo siya. Napabangon ako sa kinahihigaan ko't tinitigan siya.
"Eduardo, ano bang meron sa ating dalawa?" tanong niya nang makaharap siya sa akin.
Hindi ako nakasagot kaagad bagkus inisip kung ano bang namamagitan sa amin. Oo, magandang tao si Amor. Mabait, maasikaso't maalalahanin. Kung sa tutuusin, lahat ng katangihan na hanap ko'y nasa kanya na.
"Ewan." Iyon lang ang naisagot ko.
Ngumiti lang siya ng mapait at saka umupo ulit.
BINABASA MO ANG
Flash Fiction
Cerita PendekA compilation of short stories containing 100 words, which includes the title. Every story, it focuses on different genres.
