Dalaga
Trese anyos ako ng matuto akong mag-ayos ng sarili. Naglalagay ng make-up, nag-aayos ng buhok, nagsusuot ng magagandang damit at kung anu-ano pa.
Sa tuwing dumaraan ako, lahat ng mata’y nakatingin sa akin. Sabi ko sa sarili ko, maganda na ako para titigan ng lahat.
Isang araw, isang malakas na sampal mula kay tatay ang natanggap ko. Hindi niya ako tanggap bilang anak niya.
Inisip ko noon, mahirap bang tanggapin ang isang katulad ko? Mahirap bang tanggaping ito ang gusto ko, ang maging isang dalaga kahit nangako akong bubuo ako ng pamilya na magdadala ng apelidong matagal na pinangangalagaan?
BINABASA MO ANG
Flash Fiction
ContoA compilation of short stories containing 100 words, which includes the title. Every story, it focuses on different genres.