Bulaklak

375 6 1
                                    

Bulaklak

May babaeng nakahiga sa lilim ng puno. Sa pinaghihigaan niya, may tumabi sa kanya na lalaki. Inabutan siya ng bulaklak pero hindi niya kinuha ang bulaklak. Nanatili silang tahimik doon nang biglang magsalita yung lalaki.

Binati ng maligayang kaarawan, nangamusta, nagkwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya at kung anu-ano pa pero hindi ito pinansin ng babae.

Maya-maya, nagtanong yung lalaki kung galit pa rin ba siya sa pagpilit sa kanya ngunit hindi umimik ang babae. Kaya inisip ng lalaki, galit pa rin ito sa kanya kaya namaalam na muna siya at sinabing babalik na lang siya sa undas.

Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon