Maia's PoV
"Mama?? Ok ka lang ba?? May masakit pa ba sa'yo??" Tanong ko kay mama nang maihiga ko siya sa hospital bed. Sobrang daming ibat ibang tubo ang nakadikit sa kanya, siguro hirap na hirap na ang mama...
Naiiyak akong isiping onti nalang... malapit nang dumating ang araw nakinakatakutan ng isang anak na tulad ko... ang mamatay ang magulang niya. Nilingon ako ni mama at hirap at nanginginig na hinawakan ang aking mukha.
"A-anak... ayos lang ako, malayo pa i-ito sa bituka" nahihirapang sabi ni mama, pero kahit na ganon nakuha niya paring nngitian ako. Ang mama ko talaga... syempre malayo yun sa ulo siya may tama eh~~~ haha si mama ko talaga!!
"Ma... wag ka munang gumalaw ng gumalaw, baka may sumakit nanaman sayo. Talagang magagalit na ko pag ganon" natawa kong sabi pero yung mata ko ayaw makisama, may pumatak na luha galing dito, at nagsunod sunod na siya. Errrr!! Ano ba naman yan eh~~~
"Anak naman.... wag ka ng umiyak..." saway sakin ni mama habang hirap na pinupunasan ang mata kong umiiyak. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian bago nagsalita ulit. "Gagaling pa ang mama..." naniniguradong sabi niya "Magkakasama pa tayo nang matagal na matagal..." unti unti na siyang napikit. Gusto ko siyang pigilan at sabihin sa kanyang 'ma! Wag kang matutulog!' Pero nanaig parin sakin na hayaan nalang siya. "n-na m-ma...ta...ga...l" huling sabi ni mama bago niya mabitawan ang kamay ko.
Umiyak ako ng umiyak habang nakayuko at pilit na ginigising ang mama. Niyuyugyog ko siya pero ayaw niya parin magising. Mama!! Mama ko!! Gumising ka!! Ma!!!
~~~~
"Ah, ma'am nasa morgue na po ang mama niyo. Pwede niyo na po siya puntahan" sabi ng nurse sakin. Pilit ko siyang nginitian at tumayo na, naglakad paalis sa hospital. Kailangan ko pa makahanap ng pera para mailabas ko ng hospital ang mama...
Tulala,hilam sa luha na naglakad si Maia palabas ng hospital kung saan namatay ang mama niya, hindi alam kung saan pupunta para makahanap ng pera para mailabas ang ito.
*krennnkkk!*
"Ano ba?!? Tumingin ka nga sa dinadaanan mong babae ka!!" Sigaw sakin ng lalaking may ari ng sasakyan. Muntikan na pala kong masagasaan. Nakakatawa sana namatay nalang ako, para makita ko na ulit si mama. Yumuko ako at humingi ng tawad sa driver. Umalis narin naman siya di kalaunan.
Nagpatuloy sa paglalakad si Maia ng walang eksaktong destinansyon. Hindi iniinda ang sakit ng paa, makahanap lang ng taong maaring lapitan para sa kanyang ina. Tulala man, naagaw parin ng kanyang pansin ang isang matandang nasa gilid, walang malay. Hindi na sana niya ito papansinin dahil mas mahalaga para sa kanya na makahanap ng pera pero nang nakita niya ang kalagayan ng matanda nagbago ang isip niya.
Tuyong mga dugo at pasa sa ibat ibang parte ng katawan ang natamo ng matanda. Pero mas nakaagaw ng pansin niya ang napakaraming mga natuyong dugo sa damit na suot ng matanda. Pinunasan ang mga natuyong luha sa mata bago mabilis na nilapitan ang matanda.
"Lolo?? Lolo??" Tawag ko sa matanda habang mahinang niyuyugyog to. Umungol siya bilang sagot. Syete naman oh!! Ano nang gagawin koo?? Kailangan kong madala sa ospital si lolo, baka matuluyan pa siya. Nagpalinga linga ako sa paligid, naghahanap ng mahihingan ng tulong.
Nabuhayan ako ng pagasa ng makakita ako ng tricycle. Tumakbo ako at humarang sa daraanan niya. Sa susunod ipapaalala ko sa sarili ko na wag haharangan ang kalsada, letse!! Baka sa susunod mamatay na koooo!!!
(A/n:Parang tanga lang!! Kanina gusto mamatay ngayon ayaw na? Ano bilis magbago ng isip ah!!) Sabi ni author yay!! Pansin!! Aishh! Bala ka diyan!! Ok back to the story
BINABASA MO ANG
Disguising as the Prince's Wife
RomanceDisguising As The Prince's Wife Nag aral para maging sundalo at hindi bodyguard! Hindi ko naman sinasabi na pangit maging bodyguard pero, hindi ito yubg trabahong gusto ko. Nag sundalo ako para protektahan ang sariling bansa at hindi para maging tag...