Arrow's PoV
Nanatili akong naglalakad habang iniikot ang buong paligid. Mag dadalawang oras na siguro akong palakad lakad. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom, hehe. Naupo ako sa isang duyan na nakakabit sa isang puno. Di ko alam kung anong puno. Basta nakakabit yung duyan.
"Parang masarap maligo" bulong ko sa sarili nago hinubad yung pang itaas kong damit at patakbong lumusong sa dagat.
Maia's PoV
"Malamang malapit lang siya rito" sabi ko sa sarili ng makita ko yung kotse ng prinsipe na nasa gilid lang. Naumpisa na kong maglakad at libutin ang lugar para mahanap ang prinsipe.
"Ganyan ba ang prinispeng magiging tagapag mana ng bansang to??" Iritado kong sabi habang naglalakad lakad sa *tingin sa paligid* beach?? Muka namang beach, beach nga.
Di pa ko nakakalayo ng may napansin akong lalaking walang damit pang itaas na natakbo papuntang dagat. Ang prinsipe ba yun?? Niliitan ko abg mata ko para mas luminaw at mas makita ko kung ang prinsipe ba yun.
"Siya nga..." sagot ko sa tanong ko. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya "Ano sa tingin niya yung ginagawa niya" sabi ko sa sarili bago mabagal na naglakad papunta sa gawi kung san siya lumusong.
*Bang*bang*bang*bang*bang*
Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong tatlong lalaking nakasakay sa isang maliit na bangka at nagpaputok sa gawi ng prinsipe. Kingina!!!
Agad kong binunot ang baril na nasa bandang hita ko at tumakbo papunta sa prinsipe.
Simpleng baril lang yung gamit ko pero nagawa ko paring matamaan yung tatlong lalaking nasa maliit na bangka. Di ko lang napuruhan yung isa dahil napaandar niya pa rin yung maloit na bangka.Pagkatapos ko silang barilin ay agad akong lumangoy papalapit sa prinsipeng nakalutang na!!!!
"Prinsipe!!!! Prinsipe gumising ka" pagising ko sa prinisipe pero nanatili siya walang malay. May tama siya sa braso at sa bandang binti.Pinasan ko siya at mabilis na naglakad papuntang pangpang.
Pagdating na pagdating namin sa pangpang ay inilapag ko siya sa buhangin. Pumutol rin ako ng tela sa laylayan ng damit ko at ginamit yun para ipangtakip sa sugat niya.
"Prinsipe!! Mahal na prinsipe!!! Gumising ka!!!" Yugyuog ko rito pero ayaw parin. Anong gagawin ko?!?
Umupo ako sa handang tiyan niya pero di lahat ng bigat ko eh naroon. Pinagsiklop ko ang kamay ko at sinimulang ipump yung bandang diaphragm niya. 1,2,3,4,5 mouth to mouth resuscitation naman. God!!! Magising ka!!! Juice coloured!!
"Gising, gumising ka na" bulong ko habang patuloy sa ginagawa ko. Sa pangalawang beses na mi- nouth to mouth ko siya eh nagluwa na siya ng tubig at agad na umupo dahilan para...
*boinks*
Aray!!!! Nagkauntugan kami. Nakaupo ako sa lap niya habang nakaharap sa kanya, ganyan yung pwesto ko. Siya naman nanatiling nanlalaki ang mata at nakatingin sakin.
Nang marealize yun agad akong tumayo at umayos. Pero nanatiling nakahawak sa noo ko yung kamay ko. Sakit kaya!
"A-ahm... tumayo na po kayo diyan prinsipe, ibabalik na kita sa palasyo" pormal kong sabi. Nanatili siya nakaupo at nakatingin sakin.
"B-bakit po prinsipe?" Nag aalinlangan kong tanong. Ngumisi lang siya.
"Wala" sagot niya habang nakatingin sa bandang tiyan ko. Kaya napatingin na rin ako. Para na pala kong naka crop top. Hinayaan ko nalang yun. Parang pusod lang eh.
BINABASA MO ANG
Disguising as the Prince's Wife
RomanceDisguising As The Prince's Wife Nag aral para maging sundalo at hindi bodyguard! Hindi ko naman sinasabi na pangit maging bodyguard pero, hindi ito yubg trabahong gusto ko. Nag sundalo ako para protektahan ang sariling bansa at hindi para maging tag...