Chapter 4

5 3 0
                                    

Parisa's PoV

"Hena tama?" Tanong ko sa tagapag silbi ng hari. Tumango naman siya.

"Ahmm... pwede ko bang makausap ang hari?" Tanong ko ulit. Di siya sumagot, tinalikuran ako at maingat na pumasok sa loob ng opisina ng hari. Maya maya lang din ay lumabas na siya at binuksan ng onti ang pinto. Naintindihan ko naman kung anong ibig sabihin non kaya pumasok na ko sa loob. Pagpasok na pagpasok agad akong yumuko.

"Anong meron Parisa?? Nahihirapan ka ba sa pagtuturo kay Reuben?" Tanong agad ng Hari. Umayos ako ng tayo at saka siya sinagot.

"Wala pong problema kay Prince Reuben, sa totoo lang may mabilis nga po siyang natututo kesa sa inaasahan ko" nakangiti kong sagot.

"Kung ganon, bakit ka naparito?" Nagtatakang tanong ulit ng Hari.

"Gusto ko lang pong sabihin na muli, May nag tangkang pumatay kay Prince Arrow. Magkasama sila ni Maia kanina sa ipinahanda niyong kotse. Nakaalis na sila ng may makita akong lalaking nakatali sa likod ng palasyo. Dun ko napagtanto na ang driver ng sasakyan kung san nakasakay ang Prinsipe at si Maia ay hindi talaga ang driver na itinalaga niyo" pagpapaliwanag ko.

"Kung ganon may nangyari bang masama kay Arrow?" Nagaalalang tanong ng Hari. Mabilis akong umiling.

"Sa oras na nalaman ko yun ay tinawagan ko si Maia at sinabi ang tungkol dun. Na alam na pala niya. Nahuli niya ang lalaki na yon at sinabi sa sundalo na dalhin sa palasyo para sa paglilitis. Pero hindi po nakarating dito ang lalaki" dugtong ko.

"Kung ganon nakatakas ang lalaki? Eh nasan ang mga sundalong sinabihan ni Maia na magdala rito sa lalaki?" Tanong ulit ng hari.

"Buhay sila, walang kahit anumang galos na dulot ng pakikipaglaban" sabi ko.

"Kung ganon ano ang nais mong iparating?" Tanong ng hari.

"May taksil sa mga sundalo niyo mahal na hari. Maaring kaya alam ng pumapatay sa prinsipe ang kanyang mga kilos,yun ay dahil nasa loob mismo ng palasyo ang ispiya"

"Kung ganon kailangan natin itong ipaalam kay Commander Riang" sabi bg hari at akmang tatawagin ang kanyang tagapag silbi ng muli akong magsalita.

"Hindi, mas maganda kung tayo lang ang nakakaalm nito King Harold. Alam kong kalapastanganan ang pagdudahan ang isang taong may mas mataas ang tungkulin sakin pero May pakiramdam ako na isa rin sa kasabwat si Commander" mahinang tutol ko sa hari.

"Ano ang gusto mong gawin?"

"Nais ko pong hayaan niyong si Mia at ang Prinsipe ng silang dalawa lang. walang sundalong nakasunod, walang taong magiging kasama. Silang dalawa lang sa loob ng panahon na nasa pilipinas sila. Sa ganong paraan mas makakasiguro tayo na walang ibang tao ang makakaalam kung ano at sino si Prince Arrow maski ang mga kilos na nais niyang gawin" sagot ko.

"Kaya ba ni Maia na ipagtanggol si Arrow ng siya lang magisa?"naaalangang tanong ng hari.

"May tiwala po ako kay Maia, at sana magtiwala rin kayo" sagot ko.

"Kung ganon ako na ang bahala, walang sundalo hangga't nasa pilipinas sila" sabi niya. Ngumiti ako, nagpaalam at yumuko sa harap ng hari. Lumabas na rin pagkatapos.

"Nagawa mo?" Tanong ni Prince Reuben. Inantay niya ko di kalayuan sa opisina ng hari. Ngumiti aki at mabilis na tumango. Nakhinga naman siya ng maluwag.

"Buti naman, nagaalala ako sa kung anong bagay ang pwedeng mangyari kay Arrow habang nasa pilipinas siya" sagot niya sakin.

"Nagugutom ka na ba? Kanina pa tayo nagsasanay, tara kumain muna tayo" aya niya sakin. Tamango naman ako at sumabay sa kanya sa paglalakad.

Disguising as the Prince's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon