Chapter 5

5 3 0
                                    

Maia's PoV

"Tapos ka na ba magbihi–" naputol yung itatanong ko sana kay Arrow ng makitang hindi pa siya tuluyang nakakapag bihis. Wala pa kasi siyang pangitaas.

"Babalik nalang ulit ako" sabi ko at lumabas na. >\\\\<

*tug dug* tug dug*

Hart ko!! juice koo!!  Parang ngayon mo lang siyang nakitang walang suot na pangitaas ha!! Kung makareact ka wagas! Saway ko sa puso ko habang sinusuntok pa.

Arrow's PoV

"Tapos ka na ba magbihi–" naputol yung itatanong sana ni Maia ng makitang di pa ko tapos mag bihis. Wala pa kasi kong damit pangitaas.

"Babalik nalang ulit ako" sabi niya, bahagya pang namula yung mga pisngi. Iba talaga pag may abs (^_^)

"Ahaha, buti nalang pa pinagpatuloy ko yung pag e-exercise. Haha" bulong ko sa sarili.

Natapos ako sa pagbibihis tinignan ko yung repleksiyon ko sa salamin. Hmm... ang gwapo ko parin. Papuri ko sa sarili. Nag pogi sign pa habang nagtataas baba yung dalaqang kilay. Kinuha ko yung props kong salamin na walang grado. Para lang di makilala. Ganto rin naman yung itsura ko kagabi. Nakababa yung buhok at nakasalamin.

"Tara na?" Tanong ko ng makita siyang nagaantay sa labas ng kwarto.

"Sige, kunin mo na yung mga gamit natin. Pupunta na tayo sa isla" sagot niya. kinuha ko na yung mga maletang dala namin.

Maia's PoV

"Bakit pa kayo aalis eh mukang mas gusto ni Poging nasa paligid ako kesa sayo" Tanong ni Sheryl.

"Kapal. Tssk! Wag mo nga kaming pakielaman. Pag ako talaga di na nakapagtimpi matatamaan ka na sakin" seryoso kong sabi. Nginisian niya lang ako.

"Sabunutan ba gusto mo? Tara oh" panghahamon niya habang itinataas yung manggas ng t shirt na suot. May pa tunog pa siya ng mga daliri. Parang engot lang (-_-#)

"Baka isang suntok lang knock out ka na" bulong ko at tinalikuran siya Para sana puntahan si Arrow sa loob ng kwarto ng hilahin niya yung buhok ko. Dahilan para makaladkad ako.

"Ang dami dami mong sinasabi! Tignan lang natin kung makalaban ka sakin!" Sinisigaw niya sakinhabang kinakaladkad ako. Aba't  kingina nito!

3rd Person's PoV

Pinilipit ni Maia ang kamay ni Sheryl na nakahawak sa buhok niya. Dahilan para mapabitaw ito. Sinamantala ni Maia ang pagkakataong yon oara sipain ang tiyan ni Sheryl na agad namang tumilapon sa mga basura na nakakalat sa kanyang bakuran.

"Walang hiya ka talaga!" Galit na sigaw ni Sheryl kay Maia at sinugod muli ito.

"Tumigil ka na nga" pagpigil ni Maia kay Sheryl habang sinasangga ang mga pag atakeng ginagawa nito.

"Tigil, tigil. Mahal ako ni Pogi at magsasama kaming dalawa!" Parang nababaliw at galit na sinasabi ni Sheryl kay Maia habang naatake pa rin.

"Sabing tumigil ka na!" Sigaw ni Maia bago sinuntok si Sheryl na ikinatumba nito. Dinaganan ni Maia si Sheryl habang pinapaulanan ng Suntok sa mukha.

"Sumuko ka na, sumuko ka na, sumuko ka na." sinasabi ni Maia habang isa isang pinapaulanan ng suntok sa mukha si Sheryl.

"Sumusuko... n-nak-ko" nahihirapang sagot ni Sheryl. Tuluyang tumayo si Maia at iniwan si Sheryl sa labas.

Disguising as the Prince's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon