Chapter 7

6 3 2
                                    

Arrow/ Juno's PoV

Hinayaaan kong makatulog si Maia habang nakaunan siya sa braso ko. Habang ako nanatiling nakatitig sa maamo niyang mukha.

"Maia hindi mo ba ko gusto??? Hindi mo ba ko nagugustuhan??" Pabulong na tanong ko habang maingat na hinahaplos ang pisngi niya. Nag iingat para di siya magising.

Maliit akong napangiti ng mas isiniksik niya ang sarili niya sakin bago mahinang humilik.

"Maia...magaantay ako..." bulong ko ulit bago hinayaang lamunin ako ng antok.

~~~~~

"Marugayan, tara na" yaya ko sa kanya. Madaling araw at papalaot na kami. Nalaman ko sa isang kaibigan nila Kuya Bayani na birthday pala ng Anak niyang babae kaya tutulong ako.

"Tara na kuya. Nag aantay na sila tatay Bayani" sagot niya. Tumango ako at sinundan siya.

Maia's PoV

"Juno..." tawag ko. Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Arrow.

Nag inat muna ko bago tumayo at nag ipit ng messy bun habang hinahanap sa loob ng bahay si Arrow.

"Juno??? Juno??" Mahinang tawag ko umaasang may sasagot sakin pero ilang minuto na kong paikot ikot sa loob ng maliit na bahay pero wala kong nakita. Walang Arrow.

"Nasan naman kaya yung lalaking yun??" Tanong ko sa sarili habang kakamot kamot.

"Napapadalas yung pagkakamot ko ah... may kuto na siguro ako. Makapag suyod nga" bulong ko ulit. Naghanap ako ng suyod sa cabinet na nasa tabi ng kama. Sinubukan ko ring maghanap sa bandang sala.

*minutes later*

HALOS baliktarin ko na yung bahay pero wala kong suyod na mahanap!!!! Watdapak?!?!?

Bumuntong hininga ako bago lumabas ng bahay. Manghihiram ako ng suyod hihi. Pupunta ako sa bahay nila Aleng bilen ilang hakbang lang ang layo sa bahay namin.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Babatiin ko na sana siya ng maunahan niya ko.

"Magandang umaga Maia" bati sakin ni aling bilen habang inaayos yung mga nakabilad niyang isda.

"Good morning din po aling bilen" bati ko. "Ah aling bilen may suyod po kayo??" Wala ng paligoy ligoy na tanong ko. Di nakawala sa paningin ko ang pagngiwi ni aling bilen bago sagutin yung tanong ko.

"Wala Maia eh... tanong ka nalang sa iba" parang nadidiring sagot sakin ni aling bilen. Pilit ngiti akong tumango at naglakad ulit papunta sa sa bahay nila Nanay Lani.

"Kala mo naman hindi nagkakakuto si aling bilen. Kung makatingin sakin kanina kala mo—grrr" naiinis kong bulong.

"Magkakakuto ka... sa ngalan ng pangalan kooooo" bulong ko habang nakatingin ng palihim kay aling bilen.

"Pag ikaw nag karoon ng kuto hindi kita pahiniramin ng suyod, kala mo ah" bulong ko. Nasa harap na ko ng bahay nila Nanay Noli kaya naghanda na ulit ako ng isang matamis na ngiti.

Disguising as the Prince's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon