Dawin's PoV
"Lola alam niyo po ba kung san yung Fortune Supermarket?" Tanong ko sa babaeng nagtitinda ng mangga.
"Ah, diretsuhinniyonalanghoyanbago likosakanan,blah blah blah" sagot sakin ni lola. Di ko maintindihan, medyo dikit dikit yung mga letters niya pag nagsasalita. Naintindihan ko lang deretso raw. Ilang minuto rin siya nagsalita bago siya natapos.
"Ah, salamat po, eto po oh..." nagabot ako ng 500 pesos. "umuwi na po kayo at magpahinga na. Gabi na po eh" nakipag matigasan pa sakin si lola pero at the end tinanggap niya na rin.
"Salamat iho, sana mapuntahan mo yung destinasyon mo" nakangiting pasasalamat ni lola. Ngitian ko siya at tumango. Pinandar ko na ulit yung sasakyan ko.
*tototototot*tototototot*
"Ano?" Sagot ko sa tawag ni ben. Tinawanan niya lang ako.
"Ano?? Kumusta naman yung laway ni lola na kung makatalsik parangk kasama na bagang??" Natatawang tanong niya. Gago talaga to minsan.
"Gago! Deretso raw bago liko sa kaliwa" natatawang sagot ko sa kanya.
"Yun lang yung sinabi ni lola? Eh halos kulang kulang sampung minuto kayong nag usap" sabi niya ulit. Daming tanong nito. Pinatayan ko nalang siya ng linya at di na sinagot.
Reuben's PoV
"Babe! San kayo?" Tanong ko kay parisa. Bati na kami. Hayaan mo na yung nangyari nubg nakaraan.
"Babe your face!" Asar na sagot ni parisa.
"Hindi nga, san kayo ngayon?" Seryoso ng tanong ko.
"Sa laguna, rito sa probinsiya namin ni insan ba't ba?" Pikon na sagot ni parisa. Lagi nalang to asar sakin. Kahit kelan di na siya bumait. Samantalang sa pinsan niya parang anghel!
"Ohh? Di nga?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Ang engot naman nito! Tanong tanong tas di maniniwala! Letse!" Sagot niya nago ako binabaan. Asar talo, hehe sorry naman. Naninigurado lang.
*tototototot*tototototot*
"Ano?!?" Galit na sagot ni parisa. Galit galit pero sinagot naman agad.
"Sorry na, naninigurado lang naman ako..." pag sosorry ko sa kanya. " San yung mismong bahay niyo?? Punta ako" tanong ko. Bigla namang tumahimik yung kabilang linya.
"Parisa? Nandiyan ka pa?" Tanong ko.
"Ah, oo nandito pa ko. Text ko nalang sayo yung exact location" sagot niya bago binaba yung kabilang linya.
*another text!*another text!*
Tunog ng notif ko. Kinuha ko to at tinignan. Malamang text na to ni parisa.
From: Babe kong madaldal❤️❤️
Liko ka sa kaliwa 5km sa kaliwa ulit. Tas diretsuhin mo na hanggang sa makarating ka sa bahay na may katabing malaking puno ng narra
Yan yung laman ng text. After konf mabasa tinawagan ko na si dawin.
"Ano nanaman?" Bored na tanong niya.
"May pupuntahan pala ko, di na kita masasamahan sa pupuntahan mo" pagpapaalam ko kay dawin.
"San? Isama mo nalang ako kung san ka pupunta. Bukas nalang ako pupunta sa fortune supermarket" sagot niya. Lintik na... baka di na ko papasukin nito eh.
BINABASA MO ANG
Disguising as the Prince's Wife
RomanceDisguising As The Prince's Wife Nag aral para maging sundalo at hindi bodyguard! Hindi ko naman sinasabi na pangit maging bodyguard pero, hindi ito yubg trabahong gusto ko. Nag sundalo ako para protektahan ang sariling bansa at hindi para maging tag...