By Yennah WP
Tagaktak ang pawis habang pumipili ng mga letrang aangkop sa aking nararamdaman.
Sa di mabilang-bilang na mga salitang nakatala sa diksyonaryo; pangalan mo na wala ang hinahanap-hanap ko.
"Okay ka lang?" Linya mong paulit-ulit na naglalandas sa aking isipan.
Gaano man katingkad ang kulay ng mga notang pinapalipad ng mga awitin sa karaoke, di pa rin nito mapapantayan ang malamig mong boses na humahari sa apat na sulok ng aking silid.
Nagbibilang ng segundong nasasayang sa bawat pagpatak ng aking luhang sinasabayan nang taimtim na paliwanag ng ulan.
Nagbaybay ng mga pangakong saksi ang mga bituin.
Ang awitin ni Moira na ipagpapalit ko sa tinig ng iyong halakhak na gumuguhit ng ngiti sa aking mumunting puso.
Alin sa pangako't plano natin ang di sakop ng reyalidad?
Ang pagtagpuin at magtagpi ng istoryang sa papanaw natin ay walang mali.
Ilang kasinungalingan ang sinumbat ng mapagkunwaring tadhana?
Ang paniwalaing sa huli, pag-ibig ang maghuhusga ng kapalarang alam nating di magsisilbi sa huli.
Lingid sa ating kaalaman ang bakod na nakaharang sa ano mang espesyal na namamagitan sa ating dalawa.
Mulat nating inalam ang katotohanang, di magandang istorya ang magahahari kung tayo'y magpupumilit pa.
Masaya noong una...
Wala ni malaking nilalang ang sumasalungat sa ating nais isakatuparan.
Naglakbay tayo sa ilog ng walang hanggan.
Tinangay ng hangin ang nasa isipang possibleng meron pang magtatangkang humadlang.
Hanggang sa kinalabit tayo ng katotohanang puno ng pantasyang tayo lamang ang tauhan.
May tinik sa lalamunan, ngunit pinilit nating inalis hanggang sa mapagtanto nating kasing kapal ito ng nyebeng namumuhay sa hilaga.
"Walang sukuan," yan ang ani natin sapagkat ayon sa bulong ng inang kalikasan, tayo ang nakalaan sa libro ng kapalaran.
Sumisid tayo ng walang lingunan, mapakaliwa man o kanan.
Magkahawak ang mga kamay na pilit pinaghihiwalay ng hampas ng alon at mapaglarong mga nilalang.
Hanggang sa huminto tayo't namahinga.
Nagpatuyo ng kasuotang batid nating pareho na sakop ng ating nakaraan.
Nagkamali ako...
Akala ko walang lingunan...
Di ka lumingon sa kanan o kaliwa, dahil bitbit mo ito hanggang sa destinasyong akala ko ako lang..
Akala ko tayo lang...
Makasarili ako, kaya pinili kong magpalinlang sa mga tanong ng imaheng bumabayo sa aking isipan.
Di ko ginamit ang pitik ng dibdib, bagkus ang iniindang kirot ng aking lalamunan.
Paano ako?
Paano ang dating tayo?
Paano ko maibabalanse ang paglimot sayo habang nililigtas ang dapat ganoon lamang tayo.
Sa aking paglalakbay saka ko napagtanto..
Ang magmahal ng kaibigan ay kaakibat ng dalawang sibat na sasaksak sayo.
BINABASA MO ANG
HER HIDDEN WORDS
PoëzieThis electronic distributed words appertains to unaccompanied emprise of a godsend daughter with her melodramatic memoir.