I'm Heart, a financial stabled woman. May propesyon, maayos na pamilya, may sariling pera, apartment na inuupahan at personal na credit card to provide my whims and wants. I'm happy and contented hanggang sa may isang hindi inaasahang pangyayari na personal kong nahagip gamit ang aking mga mata.
I'm a night ship nursing aid sa isang kilalang mental hospital. It's almost four in the morning nang mag off ako. Habang hinihintay ko ang Grab taxi na kinokontrata ko palagi, may namataan akong isang uri ng pangkaraniwang sasakyang pampulis na paparating at nakikipaghabulan ito sa nakamotor na lalaki. Natumba ang kaniyang hinahabol sa mismong harapan ko. It's very unusual para sa ganitong oras na may pulis car na nakaaligid at nakikipaghabulan sa kriminal.
"Dumapa ka at itaas ang kamay!" Sigaw ng nagmamadaling lumabas sa sasakyan na sa tingin ko ay pulis. May hawak itong baril na nakatutok sa natumbang lalaki. Hindi ito naka-uniporme. Ang totoo ay nakapajama ito at halatang dinistorbo ang tulog base sa ayos ng buhok niya. Halata rin na masama pa ang timpla nito.
Nang maposasan niya ang nasabing kriminal ay halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan nang mapagtanto ko ang kabuoang itsura ng lalaki. May mga pasa ito at kalat na mantiya ng dugo sa puting damit. Marami to the point na nagmukhang pinaligo niya ang balde ng dugo sa red cross. Ngunit halatang hindi galing sa kaniya ang mga dugo dahil nasa paa ang sugat niya nang matumba siya sa motor kanina.
"Manong Alex?" Natutuliro kong tugon nang makilala ang nasabing lalaki. Siya ang kapit-bahay namin na driver ng Grab at ang inaasahan kong susundo sa akin ngayon. Hilaw itong ngumisi sa akin dahilan upang mabato ako sa aking kinatatayuan. Maging ang pulis ay napalingon sa akin. Malungkot itong umiling at hinatak ako sa dala niyang sasakyan.
"Here's my number including ang nasa istasyon namin. Tawagan mo ako o kami kapag binalikan ka ng kriminal na iyon", tugon niya habang inaabot sa akin ang piraso ng papel. Hindi ko lubos maproseso ang lahat. Una ang walang kahirap-hirap na pagtutok ni Mang Alex sa akin ng baril dahilan upang makatakas siya sa kamay nitong pulis. Sumunod ay ang krimen na ginawa niya sa buong pamilya ko. I think I'm dying. Hindi ko maabsorb lahat.
"Hello Sydney, can you please come over? I-I got an emergency", medyo hesitant kong tugon sa kausap ko sa telepono.
"What happen? Nasaan ka? I'll be there in a minute", tarantang tugon niya kahit na halatang naantala ko ang pagkakatulog niya. I gave him the full address gamit ang text dahil medyo secluded itong pinagdausan ng party ni doctora Kristina. She got promoted abroad kaya nagdaos siya ng party exclusive lamang sa mga staff and personnel ng pinagt-trabahuan naming mental hospital.
Umpisa nang mangyari ang marahas na masacre sa buong pamilya ko, naging dependent na ako kay Sydney; ang pulis na naencouter ko dati. Kahit na busy siyang tao, he cared a lot to the point na pati simpleng bagay na hindi ko maabot ay inaasa ko sa kaniya. There's no question about my feelings for him. Yes, I do fell on him. Aside from his irresistible charm and coolness when he's pointing his gun, I love the way he make me feel that I'm a complete woman. Siya ang sumagot sa matagal ko ng katanungan. Ano pa ba ang wala ako at ano ang kukumpleto sa buhay ko. I got no man. A love of life. But that was before he appeared in front of me cuffing the murderer of my whole family.
"I love you my policeman", I told him habang humihikab sa loob ng sasakyan niya. I even rested myself on his broad shoulder, feeling the hardness of his muscles while he's on wheel. It feels good to be in his arms. To feel your own husband.
Sinikop ko ang buhok ko ay marahas na tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Habang suot-suot ang puting uniporme ko, matalim kong tinitigan ang aking kabuoan na wala ng datingan sa kaniya. Iniiwasan niya na ako dahil lamang sa isang babae. I gritted my teeth habang pinipihit ang gribo ng washroom sa ospital na ito.
I knock twice before entering in a patient's room. She looks ill. Lumunok ako ng dalawang beses before I decided to enter her room.
"I already told them to ban you in my room. Baka ikaw pa ang papatay sa akin you miserable bitch!" Gigil niyang turan habang ako pilit ay pinananatiling kalmado ang sarili. No, hindi ko siya papatulan. Baliw siya at hindi tama ang takbo ng utak niya.
"Ma'am, it's time to take your meds-" naputol ang sasabihin ko nang iwinaksi niya ang hawak kong tableta.
"You think wala akong alam? I saw you last night. You replaced that documents. My medical results. You scammer! You manipulated my case just to chase my husband", bahagyang napantig ang tenga ko sa pinagsasabi ng babaeng ito.
"What are you talking all about? Anyway, you're just ill. Inaatake ka lang ng sakit so take this tablet para huminahon ka na", nakangiti kong tugon habang pilit kinakalma ang sarili.
"Hindi mo ba talaga gets o nagbubulag-bulagan ka lamang? Come on! You have been serving this hospital for quiet years. Hindi ka ignorante sa ganiyang case. Tanggapin mo na na ikaw ang totoong may sira sa utak sa ating dalawa. Ikaw ang totoong pasyente at nararapat na uminom ng gamot na iyan. Everything including your perfect love story are just an illusion. Nawala ka sa sarili dahil hindi mo matanggap ang biglaang pagkawala ng buong pamilya mo. You created a man out of him! My husband. You have been pestering us at hindi ka pa nakuntento. You manipulative crazy woman", sigaw niya na nagdulot ng mabigat na paghinga sa akin. Ang pasensya ko nauubos na at ang katotohanang ayaw kong harapan ay sinampal niya akin ng harap-harapan. Yes, I'm living with my fantasies. I'm a nurse but will never be patient. I used my profession as a cover. I will never be a patient coz aside from it's very humiliating, I won't let them ruin my cabin. My escape from reality. All I have to do now is to eliminate this girl and pursue my man.
Ngumiti ako nang simple. Dahilan upang mamutla siya. I grab the said tablet at pinainom sa kaniya.
"Now, be my patient Amber and I'll be your nurse", I whispered before she lost herself again. Very easy.

BINABASA MO ANG
HER HIDDEN WORDS
PoesíaThis electronic distributed words appertains to unaccompanied emprise of a godsend daughter with her melodramatic memoir.