---
Baka para sayo,
O para sa kanya,
O baka para sa may akda---
Ang di masabi,
Ay idadaan sa tula.
Maari kaya?
Na marinig mo,
Ang gustong sabihin ng puso?--
Ang mga tula,
Na mababasa,
Ay hindi lang basta letra,
Halo halong emosyon,
Halo halong luha,
Halo halong tawa,
Halo halong saya,
Ng may akda.--
Sumulat,
Upang mata'y mamulat,
Puso'y magulat,
O para lang mag-ulat?
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
Poetry"Ang di mabigkas ng labi, Mga letra ang hahabi. Ang di masabi ng bibig, Sa tula maririnig."