Naniniwala ako na ang pagsakay sa jeepney,
Ay katulad ng pag-ibig,
Isa 'tong destiny.Hindi kasi pwede na sasakay ka lang sa kung saan,
Para di maligaw ay dapat ang patutunguhan,
Para di na masaktan ay wag dapat sa punuan.Kailangan mong maghintay,
Bago makita yung jeep na para sayo.Wag ka ring magbibigay ng buo,
Dahil hindi palaging tama ang isusukli sayo.
Madalas kulangin yan ng dos o piso,
O pag malas ka wala talagang babalik sayo.Kaya kailangan din na alam mo ang mga karapatan,
Para hindi ka nila naiisahan,
At uuwing luhaan.Palagi mong tatandaan,
Na bumaba ka sa tamang babaan,
Alamin mo ang 'yong hangganan.
Wag kang mag-eenjoy ng sobra,
Dahil sa huli ay ikaw lang rin ang mahihirapan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
Poetry"Ang di mabigkas ng labi, Mga letra ang hahabi. Ang di masabi ng bibig, Sa tula maririnig."