003 | Libro Ko, Libro Mo, Dahil Walang Tayo

2 0 0
                                    

Paano nga ba sinimulan,
Ang kwentong hindi inaasahan,
Nagmula sa kakaibang pagkakaibigan,
Na puno ng bangayan at asaran.

Bumalik tayo sa panimula,
Kung saan ang landas natin ay di pa nagtatagpo,
Kung kailan ang mga nota'y hindi pa tumutugma,
Kung paanong ang tayo ay sobra pang malabo.

Lumipas ang mga kabanata,
Kwento nati'y nalathala,
Mga puso ay namulat,
Pag-iibigan ay naisulat.

Ilang pahina pa ang nadagdag,
Nadagdag ng nadagdag,
Pangalan mo ang syang tinatawag,
Ng puso kong lumulundag.

Ilang pahina pa ang nadagdag,
Nadagdag ng nadagdag,
Mga puso ay naglayag,
Para pagmamahal, sa mundo'y ipahayag.

Ilang pahina pang muli ang nadagdag,
Nadagdag ng nadagdag,
Nang mga puso ay mabasag,
Nang ang tayo ay nawalan na ng liwanag.

Sinubukang ayusin,
Sinubukang gawan ng paraan,
Sinubukang gisingin,
Ang pusong ayaw ng lumaban.

Hanggang maratin natin ang dulo,
Ang epilogo,
Kung saan magtatapos ang kwento,
Kung saan magtatapos ang tayo.

Nandito tayo sa dulo,
Kung saan ang landas natin ay hindi na magtatagpo,
Kung kailan ang mga nota ay hindi na tutugma,
Kung paanong ang tayo ay tuluyan nang naging malabo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon