001 | Ulan

3 1 0
                                    

Dumating ka ng biglaan,
Panahong hindi ko inaasahan.
Kailangan ko pa ba ng payong?
O dapat na akong sumulong?

Siguradong mga gamit ko ay masisira,
Damit pag-uwi ay basang-basa,
Pero anong magagawa?
Wala naman diba?

Takot ay itinago,
Malakas na ulan ay aking sinugpo,
Sa kalagitnaan, nakita ko ang sariling naglalaro,
Nagsasaya sa bawat patak ng tubig sa kamay ko.

Nagtampisaw,
Tinignan ang kalangitan
Na walang bakas ng pagkabughaw.

Ilang beses nila akong pinigilan,
Ilang beses kong narinig ang mga katagang 'tama na'
Pero hindi ko sila pinakinggan,
Nalunod ako sa sobrang kasiyahan.

Nakalimutan ko ang mga babala,
Nakalimutan kong mabahala,
Nagising ako sa kahibangan,
Nang iwan mo akong ng tuluyan.

Ang araw ay sumikat,
Dama ko ang init nito saking balat,
Pero asan ka na?
Iniwan mo na ba akong talaga?

Umuwi akong mga gamit ay sira,
Mga mata ay lumuluha.
Nilagnat kinabukasan,
Dahil sa panandaliang kahibangan.

Sumugod ako sa ulan,
Kahit alam kong masasaktan ako kinabukasan.

Ganyan ang kwento nating dalawa,
Minahal kita,
Kahit sa huli ay ako ang masasaktan,
Dahil sa iyong paglisan.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon