//02

671 26 4
                                    

_______________

Chapter 2

_______________

“AKO!!” sigaw ko.

Oopss.. Patay >__<

Narinig yata nila ako. Oh dammit. Titig na titig kasi sila sa akin ngayon. As in SILA!

“Oh im sorry. Hahaha”

“What did you say miss?” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Nothing. Eh kasi...” kailangan kong mag isip ng napaka gandang dahilan kundi... “hmm tawag na kasi nila ako.” tumalikod na ako at kumaripas ng lakad para hindi na nila ako tanungin.

Muntikan na akong mapahamak dahil sa pag-i-eavesdrop ko. Shet! Magpapanggap ka lang then viola may 20k ka na at a month pa. Wow yaman mo dre.

Habang nag hahatid ako ng mga orders ng mga customer namin hindi ko maiwasang hindi tignan ang table nila DJ.

Pero ngayong napatingin ako sakanya. Wala na yung mga kasama niya. Siya na lang ang mag isa. Ganun ba talaga siya kadisperado. Oh gahd i can’t believe it.

Ang swerte naman nung girl kung sino man siya. Mukhang inlove masyado si DJ sakanya to the point na kahit wala na siyang pag asa nagagawa niya pa rin maghintay. Naaawa tuloy ako sakanya.

I sighed.

“Matunaw yan.” sabi nung bartender sa akin.

Nasabi ko na bang nakaupo ako ngayon sa stool habang pinagmamasdan siya.

“Aaa...ehhh naku koyang bartender. Wala naman akong tinitignan.”

“Okay.”

Hindi ako nagko-closing sa bar. Ayaw kasi ni mama. Ayaw niyang gabihin ako masyado sa daan kaya naman around 12:30 pa lang nandito na ako sa bahay.

Kakapagod ang first day ko sa work kaya naman agad akong nakatulog sa tabi ni mama.

***

Ilang araw na din akong nagwowork sa bar. Hindi na rin ako naiilang sa suot ko, actually nasasanay na nga ako eh. Kapag may nagsasabi sa akin na ang sexy ko, I just ignored them. Ewan ko ba, hindi naman ako madaling maattract sa mga lalaki. Dala na rin siguro sa mga nakikita kong paghihirap ni mommy.

“Papasok na ako ma”

“Hija, malapit na ang second semester. Papasok ka na ba? Kulang pa kasi yung naiipon kong pera. Tinutulungan ko din kasi si tito Robert mo sa mga gastusin dito sa bahay. Nakakahiya. Alam mo na nakikitira lang tayo.” siguro nga hindi na naman ako makakapasok. Wala naman ako magagawa dahil mahirap lang kami. Walang tumutulong kay mama simula pa lang.

Umiinit na naman ang mata ko. Kahit kailan talaga napaka emosyonal ko pagdating kay mama. Huminga ako ng malalim para hindi tuluyang bumagsak ang luha ko. Kapag tumulo kasi lalong magi-guilty si mama.

“Ma okay lang. Naiintindihan ko. Kung hindi ako makakapasok ngayon edi next year. Makakapaghintay pa naman ako eh. Okay” niyakap ko siya ng mahigpit.

Kahit hindi okay sa akin yun. Basta para kay mama kakayanin ko. Huwag ko lang siyang makitang malungkot dahil mas nalulungkot ako.

“Sige na ma, aalis na ako.” hinalikan ko siya sa pisngi saka ako umalis.

“Ingat anak.” pahabol na sigaw ni mama saken paglabas ko ng gate.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Instant Boyfriend? just add water.. [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon