**Paumanhin po sa super tagal na UD ko nito. Salamat po sa mga naglalagay ng story na 'to sakanilang reading list :))
____
Dedicated to her. Sinusuportahan niya na naman kasi ang story na 'to :)) thank you JESS. mwaaaa :**
_______________
Chapter 4
_______________
“Kath anak sigurado ka na ba diyan?” Nginitian ko na lang si Mama sa tanong niya.
Sigurado na nga ba ako? Ang alam ko lang kailangan kong makatapos ng pag aaral at hindi ko yun magagawa kung wala ang tulong ni DJ. Kahit ang kapalit pa ay magkaroon ako ng instant boyfriend.
“Yes ma. I have to go.” i kissed her cheek.
Sinundo ako ni DJ sa may gate ng village. Hindi na ako nagpasundo sa mismong bahay dahil nahihiya ako. Kahit siya mismo ang nagsabi sa akin na susunduin niya ako sa mismong bahay namin.
“Ang tagal mo.” reklamo niya ng makasakay ako sa kanyang kotse.
Sa passenger seat ako sumakay. Ayaw niya sa likod dahil nagmumukha daw siyang driver ko.
“Sorry naman.” sarcastic kong sabi sakanya.
Eh anong magagawa ko kung late ako nagising. Siesta time kasi kanina kaya nagpasya muna akong matulog dahil 8pm pa lang naman kami magkikita ni DJ. Hindi ko naman in-expect na makakatulog ako ng ganun katagal.
“Tss” sabi niya.
“Psh!” sabi ko naman.
After that hindi na kami nagsalita hanggang sa makarating kami sa isang resto bar.
Club Bossa.
Akala ko angpupuntahan naming bar ay kung saan ako nagwork, hindi pala.
“C’mon. Hinihintay na nila tayo.” lumabas na siya.
Bubuksan ko na sana yung pinto pero...
Pinagbuksan niya ako. In-offer niya pa ang kanyang kamay. Woah! Gentleman din pala siya.
“Thanks.”
“Huwag kang magpa-thank you. Ginagawa ko lang to para sa palabas natin. Kaya gawin mo din ang duty mo.” aray >__<
Alam ko naman yon eh. Binabayaran niya ako para magpanggap. Kailangan pa ba niyang ipamukha sa akin ang bagay na yon.
“Alam ko. Hindi mo naman kailangang ulit-ulitin ang bagay na yon.” binitawan ko ang hawak niyang kamay ko saka ako naunang naglakad papasok sa loob.
“Sandali.” rinig kong sigaw niya.
Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako. Naiinis ako sakanya. Kung hindi ko lang kailangan ang tulong niya, hindi ko talaga to gagawin. Ever. Grrr.
“Ano ba hindi ka ba talaga hihinto?” nasa tono ng boses niya ang pagbabanta.
Who care’s. Hindi ako natatakot sakanya. Sino ba siya? Boss ko lang naman siya ha.
“Kath.” hinigit niya ako paharap sakanya.
Ilang saglit kaming nagkatinginan. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
“Ano bang problema mo?” singhal niya sa akin.
“Ikaw.” duro ko sakanya, “..ikaw ang problema ko. Simpleng welcome lang naman ang isasagot mo sa thank you ko hindi mo pa ginawa. Nakakainis. Nakakainis ka. Sobra” saka ko ulit siya tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Instant Boyfriend? just add water.. [KathNiel]
FanfictionSi Kathryn Chandria Bernardo. Takot magmahal dahil na rin sa naranasan ng kanyang ina. Kaya naman ‘parang’ naging one of the boys siya. Pero paano kung kailangan niya ng pera para makapasok ulit siya sa school at ang tanging paraan lang ay maging b...