//06

494 25 7
                                    

Dedic ko sayo girl :)) natawa ako sa comment mo sa chapter 5. Nahulaan mo yung i-a-UD ko. hihihi :D Take Care.. GodBless!!

Labyuu dear <3


____________________

Chapter 6

____________________



[Kath's POV]


“Ma, alis na ako.” paalam ko kay mama.

Tatlong araw na din ang nakalipas simula ng halikan ako ni DJ. After that hindi na kami nagkita. Siguro nahiya siya, buti naman kung ganun. Kasi ako hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kapag nagkita na kami. Parang ngayon lang nagpapanic ang buong sistema ko dahil sa ayaw at sa gusto ko magkikita’t magkikita kami kasi iisa lang ang papasukan naming school.

Paglabas ko ng village, nag-abang ako kagad ng taxi papunta sa school. Hindi pa naman ako late kasi nag-advance ako ng 30mins. sa pagpasok. Kaya lang, sa nakakainis na pagkakataon bigla naman siyang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko alam na kanya pala yung sports car na nasa harapan ko kanina pa.

Geez!

Lumapit siya sa akin. “Kanina pa kita hinihintay na pumasok. Pero mukhang hindi mo ako napansin.”


“Aba! Malay ko bang sa iyo pala yang kotse.” turo ko sa sasakyan niya, “Iba kasi eh.” pagdadahilan ko.

Totoo naman eh. Ang mga mayayaman talaga kapag gusto nilang palipan ang sasakyan nila sa isang iglap lang mapapalitan nila.


“Silly” pinagbuksan niya ako ng pinto, “Sakay.” utos niya kaya naman sumakay na ako.

Bakit hindi man lang siya na-o-awkward sa nangyari samin? Kung sabagay wala lang naman sakanya yun. Pero sa akin meron. Hindi pa nga ako nakakamove on dun kahit tatlong araw na ang nakakalipas.

Unang halik ko kaya yun.


“Bakit mo ako sinundo?” tanong ko sakanya ng hindi lumilingon.


“Ito naman ang ginawa ng magboyfriend girlfriend diba?”


“Pero hindi mo naman kailangan magpanggap, eh. Wala namang nakakakita sa atin. Kaya you don’t need to pretend that you’re my boyfriend infront of me.”

Hindi siya naimik sa sinabi ko. Mukhang ina-absorb niya pa.


“If you say so. Anyway, maglinis ka sa condo ko after you’re class. Take this.” may inabot siya sa akin na susi, “Spare key. Sayo ko lang pinagkatiwala yan. Kaya please, ingatan mo.”

Instant Boyfriend? just add water.. [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon