____________________
Chapter 8
____________________
[Kath’s POV]
“KATH!” may tumawag sa akin.
Liningon ko kung sino ‘yon. Si Miles lang pala.
More than a week na rin simula nang dinala ako ni DJ sa hospital. Nang dahil sa katakawan ko -_-
“Oh, Miles. Hehe kumusta?” tanong ko. Ang tagal na din kasi nang huli kaming nagkita nito. Namiss ko siya.
“Okay lang naman ako.” sinundot niya ang nagiliran ko, “Hoy ah! Kayo pala ni DJ bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin. Baliw ‘to.” nagpout ito.
“E, hindi ka naman nagtatanong.”
Pababa kami ng second floor nang makasalabong namin si Julia—may kasamang lalaki.
Inirapan lang ako ng tingin ni Julia. Ngitian ko naman siya saka tuluyan na kaming nakababa.
Ayoko siyang patulan dahil sa tita niya pa rin kami nakatira. Kahit na sinusungitan niya ako, okay lang. Tiis-tiis na lang ako.
“Alam mo na ba kung sino ang ex ni DJ?”
“Oo naman. Ang sama nga ng tingin, e”
“Haha akala ko pa naman hindi mo alam. Tara canteen tayo.” hinila niya ako papunta sa canteen.
Kulang na lang takbuhin namin ang canteen. Paano ba naman kasi ang lalaki ng mga hakbang niya.
Umupo ako sa may pinakadulong mesa. Nakakailang kasi masyado, pinagtitinginan ako ng mga tao at halos mga kababaihan pa. Lahat yata kasi ng tao dito sa campus alam nilang boyfriend ko si Daniel John Padilla.
Hay! Kung alam lang sana nila.
Teka lang. Bakit ba ako nalulungkot? Ang labo ko talaga minsan.
I sighed.
“Ang lalim nun ha! Ano naman ang iniisip mo?”
“Ha?” naghand gestures akong wala lang yun, “Wala naman.”
Nilapag niya yung tray at binigay sa akin yung pagkain ko.
“KATH!” may sumigaw sa pangalan ko. Palapit siya sa akin habang nakangiti, “Hello!” masaya niyang bati saka ito umupo sa tabi ko.
“Hi!”
Kumuha siya ng fries at sinubo niya ito, “Nagsosolo flight ka. Hindi mo ako iniinvite.” sabay pout niya.
“Sorry naman. Hindi ko kasi alam na vacant mo din, eh. Hahaha. Ang kyot mo talaga Andrea.”
“Ehem. Im here. Hahaha” sabi ni Miles na nakakunot ang noo niya.
“Yay! Nakalimutan ko. Andrea si Miles pala kaibigan ko. Miles si Andrea bestfriend ni DJ.”
“Nice meeting you Andrea.” sabi ni Miles sabay lahad nito sa kanyang kamay.
“Nice meeting you too Miles” ^__^ “At dahil kaibigan ka ni Kath. Welcome to our group.” sigaw niya.
“Woah! Talaga friend niyo na ako?” masayang tanong ni Miles.
Tumango ng marahan si Andrea, “Yep.”
“Wow ang saya naman.” pumalakpak pa si Miles.
Tch! Parang bata lang talaga.
***
“Ui bakit ka nandito?” tanong ko kay DJ na mukhang kanina pa niya hinihintay na madismiss ang klase ko.
“Let’s go.” hinila niya na lang ako basta-basta.
Kitamo ‘tong tao na ‘to. Tinatanong ko lang kung bakit siya nandoon. Tama bang isagot sa akin ang paghila. Naku naman.
“DJ bakit ka ba nanghihila? Hoy!” tama bang isnabin niya ako. Patuloy lang siya sa paghatak sa akin.
Nakarating na kami sa parking lot ng school. Binuksan niya ang door sa passenger seat. Okay! Sasakay na ako kahit wala akong idea kung saan kami pupunta.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sakanya.
“Basta.” -.-
Ano kaya yun. May basta ba na lugar? >.< Dahil siya ang boss. Go na lang.
Nakarating kami sa all girls school. Tinignan ko siya habang tinatanggal niya yung seat belt sa katawan niya. Geez.
Lalabas na sana ako kaya lang pinigilan niya ako.
“Wait me here.” yun lang sinabi niya saka ito lumabas.
Ako? Naiwang nakatanga dito sa loob ng sasakyan niya. Curious tuloy ako kung sino yung pinuntahan niya dito.
Kainis ilang minuto na akong nandidito sa loob. Pasilip-silip ako kung parating na ba siya pero wala, eh. Bored na bored na ako.
Sa sobrang pag-iisip ko. Nandito na pala siya sa loob ng kotse. May nakaupo na babae sa back seat. I think nasa 7-9 years old siya.
“Hello po” bati nung bata sa akin.
“Hi!” nagwave pa ako sa bata, tinignan ko naman si DJ na ini-start ang engine ng sasakyan, “Sino at ano mo siya?” turo ko dun sa bata na kanina pa nakangiti sa akin.
“She’s my sister.” sagot na sa akin.
Nakangiti siya ng nakakaloko. Fishy siya ngayon parang may gagawin na hindi maganda.
“Kuya! Punta na tayo sa mall. Tara na!” nagtatalon siya sa back seat habang pumapalakpak.
Omo >.<
“Sure baby. Just behave okay.”
***
“Carmela, behave okay. Ayaw ni ate Kath ng malikot.” magkalevel sila ngayon. Ang sweet pa lang kuya ni DJ.
Parang gusto ko tuloy magkaroon ng kapatid. Kaya lang malabo naman mangyari yung gusto ko kasi wala naman akong daddy.
“Kath,” tinap niya yung balikat ko, “Ikaw na munang bahala sakanya.” he handed me a money, “Sunduin ko na lang kayo mamaya.”
“huh?” hindi pa ako nakakarecover sa pagkashock ko, eh sumakay na siya sa kotse niya.
WTH!!
“DJ” sigaw ko sakanya nang magsink-in sa isip ko ang mga sinabi niya.
Kaya lang wala na siya, eh. NO CHOICE.
Tinignan ko si Carmela na nagsa-shine-shine pa yun mga mata niya.
‘Baby sitter? Not bad.’
N e x t . . .
**Ang tagal kong hindi na-UD 'to tapos ang lame pa ng chapter na 'to. Ihhh so sorry dear's >.<
Sana may magbabasa pa nito.
THANK YOU :))
![](https://img.wattpad.com/cover/2032466-288-k171169.jpg)
BINABASA MO ANG
Instant Boyfriend? just add water.. [KathNiel]
Fiksi PenggemarSi Kathryn Chandria Bernardo. Takot magmahal dahil na rin sa naranasan ng kanyang ina. Kaya naman ‘parang’ naging one of the boys siya. Pero paano kung kailangan niya ng pera para makapasok ulit siya sa school at ang tanging paraan lang ay maging b...