//introduction

888 28 6
                                    

CHISMIS?

Ano ba ang nasisira nito?

RELASYON?

PAGKAKAIBIGAN?

PAMILYA?

o IKAW MISMO?

“MAMA!! Ano ba naman yan oh!” sigaw ko sakanya.

Paano kasi pinag iempake na naman niya ako. Nakakainis lang talaga, wala na kaming naging permanenteng address ng dahil lang sa chismis. Grabe kasi ang mga tao kung mag isip, masyadong over. Masyadong urgh!! Leche.

“Mama naman. Kakatanggap ko lang sa work diba? Paano ko maipagpapatuloy ang pag aaral ko kung ganito tayo lagi. NPA. Sinabi ko naman kasi sainyo na umiwas na kayo sa mga taong alam niyong huhusgahan lang ang pagkatao niyo. Ma, naman eh!” hindi na naman napigilan ng mata ko ang lumuha.

Hirap na kasi ako sa ganitong sitwasyon. Kung kailan kasi nasasanay na ako sa mga lugar na pinupuntahan namin, dun naman kami aalis. Wala tuloy akong nagiging kaibigan na permanente. Alam ko din namang hindi lang ako yung nahihirapan sa ganitong set up ng buhay namin, pati rin si Mama. Kasi naman wala siyang kadaladala sa mga nangyayari sa amin. Masyado siyang nagtitiwala sa mga taong nakapaligid sakanya.

Porke ba kasi maaga kang nagkaroon ng anak tapos wala pang ama ang anak mo. Isa ka ng babaeng mababa ang lipad, kabit, and such. Ghad!! Tao nga naman. Hindi naman nila alam ang real story kung bakit? Makapaghusga naman sila parang isa ka ng err.

“Kath, alam mo naman kung bakit ko ‘to ginagawa diba. Para din naman sa iyo. Ayoko lang na masaktan ka ng ibang tao. Ayoko lang na husgahan ka nila. Ayo--” niyakap ko na lang bigla si Mama. Alam ko na ang reason na yan eh! Paulit ulit na lang niyang sinasabi yan sa tuwing lilipat na kami ng bahay.

“Stop it ‘ma. I understand.”

Natural lang na intindihin ko siya. Wala namang ibang magdadamayan kundi kami lang dalawa.

Hay!! hindi na naman ako makakapag aral this sem. Kulang pa yung iniipon kong pera para maipagpatuloy ko lang ulit ang pag aaral ko.

“Pero ‘ma ipangako niyo pong last na ‘to.”

“I promise Kath.”

Instant Boyfriend? just add water.. [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon