Words Unsaid

1.6K 36 8
                                    

#3 One-Shot: Words Unsaid

Ako nga pala si Marian Thompson. 4th year highschool. Sabi nila, maganda daw ako pero masyadong simple, hindi sikat, mabait, palakaibigan, masayahin, matalino. Ordinaryo lang ang buhay ko nung 1st year highschool ako pero nagbago yun simula ng makilala ko si Van Sauz. Isang heartthrob ng school namin. Madaming nagkakagusto sa kanya, pinapantasya siya ng lahat. Sino nga ba ako para mapansin niya? Isa lang naman akong hamak na babaeng puro libro at aral lang ang nasa isip habang siya walang kahit na anong problema dahil nasa kanya na ata ang lahat.

He'll never notice me.

Sabi ko yan noon pero di ko akalaing ang isang Van Sauz ay mamahalin ang isang Marian Thompson. Napakasaya ko nung mga araw na 'yon. Madaming naiingit sakin, madaming nagalit. Madaming tao ang lumapit para makipagplastikan sakin. Akala ko kapag naging kami, kami na habang buhay pero mali ako.

Mali ako kasi isang sabi ko lang, binitawan na niya ako.

At pinagsisihan ko yun. Pinagsisihan ko ang araw na 'yun. Ang araw na nakipag-break ako sakanya.

Nasa park kami nung nakipagkita siya sa akin. May ipapakita daw siya. Naguluhan ako pero pumunta pa rin ako. Ngayon lang kasi ulit kami makakapagsamang dalawa. Gusto ko ring pag-usapan namin ang tungkol sa amin. Alam ko lately, nagiging busy kami. Nawawalan na ng communication, ayaw ko man pero siguro kelangan kong gawin 'to para mapatunayan ko kung gaano niya ako kamahal.

"I'm sorry, Van. I.. I'm breaking up with you." nabigla siya sa sinabi ko.

Kita ko 'yun sa mga mata niya. Gusto kong makita na kahit konti masasaktan siya sa sinabi ko pero wala. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. Ako ang nakipagbreak sa kanya pero parang ako pa ang mas nasasaktan sa nangyari.

"Hindi na ko masaya, Van. Lagi tayong walang communication. Magkaschoolmate nga tayo pero hindi naman tayo nagkikita, hindi tayo nakakapag-usap kasi busy ka.. busy ako."

Akala ko pipigilan niya ko pero hindi. Wala siyang ginawa. Pinakawalan na lang niya ako. Hindi ba niya talaga ako mahal?

"I'm sorry." tumalikod na ako at naglakad palayo.

Bawat hakbang na ginagawa ko palayo sa kanya ay napakasakit para sakin. Umasa kasi ako na tatakbo siya palapit sa akin at sasabihing, "Wag mo kong iwan, Mai. Mahal na mahal kita." pero hindi niya nagawa. Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

I lost the guy I waited for so long.

***

I'm Van Sauz. 4th year Highschool. Heartthrob ng campus. Mayaman, mabait, gwapo, palakaibigan. Madaming nagkakagusto sakin pero lahat sila hindi ko pinapansin dahil may gusto akong hanapin, ang babaeng mamahalin ko ng pang-habang buhay.

Dumating ang araw na 'yon ng makilala ko si Marian Thompson. Ang pinakamatalinong babae sa campus. Isa siyang simpleng babae pero kahit na ganun, makikita mo parin ang ganda niya. Sino nga ako para mapansin niya? Isa lang naman akong hamak na lalaki na walang ibang gawin kundi kalokohan at katarantaduhan lang sa buhay.

She'll never notice me.

Sabi ko yan noon pero di ko akalaing ang isang Marian Thompson ay mamahalin ang isang Van Sauz. Napakasaya ko nung mga araw na 'yon. Isa na ako sa pinakaswerteng lalaki sa buong mundo pero akala ko lang pala yon. Dahil kahit ayoko man, madalang na kaming magkita, madalang na kaming mag-usap. Busy ako sa mga practice namin. At nitong mga nakaraang araw.. naging busy ako sa paghahanda sa Anniversary namin.

Hindi ko sinabi sa kanya kasi gusto ko siyang sorpresahin pero huli na.

Nakipagkita ako sa kanya sa park dahil doon ko pinaghandaan ang aking sorpresa. Tinulungan ako ng mga kabarkada ko. Pumunta siya pero ako ang nasorpresa sa mga sinabi niya sakin.

"I'm sorry, Van. I'm breaking up with you.." nabigla ako ng sabihin niya yun.

Akala ko nagbibiro lang siya, pero hindi. Seryoso siya. Sobra akong nasaktan sa sinabi niya kaya hindi na ko nagtanong kung bakit. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harapan ng taong mahal ko. Ito na ata ang pinakamasakit na break-up sa lahat ng naging relasyon ko dati.

"Hindi na 'ko masaya, Van. Lagi tayong walang communication. Magkaschoolmate nga tayo pero hindi naman tayo nagkikita, hindi tayo nakakapag-usap kasi busy ka.. busy ako."

Gusto ko siyang pigilan pero sabi niya, hindi na siya masaya sakin. Ayokong ipagkait sa kanya ang kaligayahan niya kaya pinakawalan ko na sya kahit gaano kasakit para sakin.

"I'm sorry." tumalikod na sya at naglakad palayo.

Bawat hakbang niyang yun, napakasakit para sa akin. Umaasa parin kasi akong babalikan niya ako dito at sasabihing, "Binabawi ko na ang sinabi ko, Van. Hindi kita kayang mawala. Mahal na mahal kita." pero hindi niya nagawa. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

"Happy Anniversary, Mai." umilaw ang buong park kasabay ang pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan habang pinapakita ang mga salitang "I love you, Mai."

I lost the girl I've been dreaming of for so long.

END.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

So kanino kayo mas naiinis? Hahaha. Kay Mai na paranoid kaya ayan tuloy nawalan ng lablayp? O kay Van na may chance na nga magsalita at pigilan si Mai umalis, hindi man lang ginawa? Aw. Mga tao kasi nowadays, hinahayaan na lang at pinapalampas yung mgs bagay na ganan. Kumbaga, madami silang gustong sabihin sa mga mahal nila pero hindi nila masabi, parang umuurong lagi yung mga dila. Minsan, hindi nila maexpress through words yung pagmamahalan nila kaya minsan, dumadating na sa mga break-ups. So sa mga taken, in a relationship, may karelasyon, may ka-PBB Teens jan.. payo lang po. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa taong mahal mo, wag lang laging paramdam, minsan kelangan mo ding sabihin. Kelangan balance lang lagi. May words, may actions. Wag kayong gagaya kina Van at Mai na mas minabuti na lang na itago at sarilihin na lang yung mga gusto nilang sabihin sa isa't-isa kaya hindi nagwork out yung relationship nila. Learn to trust and support your partner. Love and love.

Goodevening!

girlinparis

One Shot: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon