Love Lasts Forever♥

1.5K 41 4
                                    

Dedicated po ito sa mga lolo at lola niyo na nagmamahalan, at nags-stay parin together <3

Sana po magustuhan niyo ito.. At sana, may mga ganito pa kong makikita sa future.. Hahaha :)

Yun lang po enjoy reading.. Kung maguguluhan man kayo, ask me kasi basta-basta jan susulpot yung present time at yung flashback.. pero sana nga maintindihan niyo *cross fingers*

Copyright © 2012 by girlinparis. All rights reserved.

***

#2 One-Shot: Love Lasts Forever

"Lola, tulungan niyo naman ako sa project ko.." napatingin ako sa apo kong nakatayo sa harapan ko

May hawak syang isang notebook at isang lapis. Inaabot niya ito sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon at kinuha ko ang salamin na lagi kong sinusuot sa table na katabi ng upuan ko..

"Tungkol saan ba ang project na yan, iya?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ko ang papel niya..

binasa ko ito.. "Sabi po kasi jan, kelangan mag-interview ng kahit sinong lola.. tungkol daw po sa love eh." nakangiti pa sya habang sinasabi ito

"Magkukwento daw po kayo nung mga naexperience niyo ni Lolo Miguel.. kung paano daw po kayo nagkakilala, kung paano naging kayo.. Ganun po." pagpapatuloy niya

"Yun lang ba, iha?"

"Umm.. lola kelangan pa po palang ivideo.."

[Fast Forward]

Andito ako ngayon. Kaharap ang dalaga kong apo. Ang sabi niya magbihis ako ng kahit anong maganda kong maibibihis. Pinili ko ang pinakaimportanteng damit na binili sa akin noon ni Miguel.

Nakaupo na ako ngayon habang inaayos naman ni Camille ang camera na gagamitin sa harap.

Napangiti ako. Naaalala ko na naman kung saan nagsimula ang lahat. Naaalala ko na naman ang mga pinagdaanan namin ni Miguel.

"Lola ayos na po.. sabihin ko na lang po kung game na.." lumingon sya at tiningnan ang camera..

Ilang saglit nama'y nagsalita na siya..

"Hmm.. Gusto ko nga pala ipakilala sa inyo ang lola ko, Si Lola Kristi. Ikukwento niya sa'tin ngayon ang mga naging karanasan nila ni Lolo Miguel. Siya ang naisipan kong interviewhin ngayon kasi eto na rin yung chance para malaman ko ang story nilang dalawa.."

Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako..

"Lola, maaari niyo na po ba akong kwentuhan ng mga karanasan niyo sa pag-ibig?"

Ngumiti muna ako sa kanya. Umubo saglit tapos nagsimulang magsalita.. "Pitong taong gulang ako nun. Bata pa ako pero tandang tanda ko pa ang mga pangyayaring ito. Walang nagbago. Hanggang ngayon, tuwing titingnan ko ang lolo mo.. nakikita ko pa rin ang malabituin sa mga mata niya.."

[Flashback]

"Papa!! Gusto ko ulit makita si Miggy.. Gusto ko syang kalaro.. Papa! Hatid mo ko kina Miggy!" nagtatatalon ako sa harap ni papa para mapansin niya ko. Hawak hawak ko ang mga manikang binili niya sa akin. Gusto kong pumunta kina Miggy kasi lagi ko syang kalaro.. Kapitbahay lang namin siya kaya hindi naman mahirap pumunta doon.

"Wait baby.. We'll go there. Antayan lang natin si Mommy. Pupunta naman talaga dapat tayo doon e.." binuhat niya ko

"Talaga papa? Where's Mama? Tell her to hurry.. I wanna see Miggy now. I want to play with him.." 7 years old na ko nito pero napakahilig ko talagang maglaro. Gusto kong maglaro na lang ng maglaro maghapon pero syempre dapat kasama si Miggy..

One Shot: CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon