Simula

235 7 0
                                    

Impression

"Ma'am, alis na po ako"

Tumango ang aming manager bilang tugon niya sa aking paalam. Isang mainit na hapon ang bumungad sa akin paglabas ko sa isang fast food restaurant kung saan kasalukuyan ako nagtratrabaho. Isa akong crew dito simula alas sais ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Saktong alas tres na ng hapon nang natapos ko lahat ng trabaho ko. Tagatak ang pawis ko ngunit walang alinlangan kong sinugod ang mainit na daan. I need to be fast.

Isang oras na lang, magsisimula na ang klase ko. Medyo malayo pa naman ang school ko dito mula Quirino avenue. Shit! Ayoko ng malate. Ang dami ko ng namiss sa klase ko!

Simula noong nagtrabaho ako ay parati na akong nalalate sa mga klase ko. Ayoko talagang nalalate pero wala akong magawa dahil ang daming ginagawa sa trabaho ko.

Bago ako umalis sa station ko, sinisigurado kong malinis ito. Ayokong mapagalitan sa manager at baka iyon pa ang dahilan ng pagkawala ko ng trabaho. As much as possible, I need to be good especially this time. I really need my work.

Sa sobrang pagmamadali ko ay nakarating naman ako ng maaga aga. Thank God! Sa wakas, hindi ako nalate!

May 15 minutes pa bago dumating ang Prof. Ibig sabihin, may oras pa para magbasa. Agad ko naman kinuha ang aking libro at binuklat. I need to read even a little. Hindi pa ako nakakapag-aral sa susunod na subject ko. Ayoko maulit ulit ang nangyari last meeting. Damn. Ayoko iyong feeling na hindi makasunod sa discussion.

"Buti naman at hindi ka nalate ngayon Pam"

Umangat ang aking ulo at nginitian siya.

"Grabe ka naman makasabi niyan Sid. Hindi naman ako parating late. Sakto lang"

Si Sid ang pinakamatagal kong kaibigan simula ng nagkolehiyo ako. Isa siyang mabait na kaibigan at responsable sa lahat. She knows how to prioritize her studies. Masasabi kong isa siya sa nagimpluwensiya sakin na mag-aral ng mabuti. Because of that I realize that we should be wised in choosing a friend.

"Anong meron at mukang abala kayo?"

Pansin ko nung pumasok ako sa aming klase ay abala ang lahat. Mukhang seryoso sa pagbabasa. Wala naman akong maalala na may pinapagawa si Sir sa amin. Kung tutuusin kahit hindi ka nagbasa bago pumasok sa klase na ito ay talagang may matutunan ka.

"Hindi makakapasok si Sir Guino-o. May importanteng gagawin. Kaya panandalian siyang papalitan ng ibang prof"

"Talaga?"

Medyo may himig na paghihinayang ang boses ko. Isa sa paborito kong guro si Sir Guino-o. Dahil bukod sa pagiging approachable niya, makikita mo talaga ang pagiging sobrang passionate niya sa kanyang trabaho. Nagmadali pa man din ako pumasok. Sayang.

"Ang balita nga sa ibang section ay masungit daw ang pumalit kay Sir. Nagtatawag pa nga daw. Kaya abala kami sa pagbabasa ngayon dahil ayoko mapahiya!"

"Pero ang sabi din nila, kahit medyo masungit ang bagong Prof, mabubusog naman ang iyong mga mata" si Sid

" Anong ibig mong sabihin?"

"Gwapo daw at matipuno! Okay lang siguro mapahiya mamaya. Kahit papano ay nagpapasalamat na rin ako at sa wakas ay may poging nilalang na rin akong masisilayan dito sa school!" hagigikhik ni Sid.

Natawa naman ako sa sinabi ni Sid. Para bang sinasabi niyang walang pogi dito! Pero ang totoo ay masyado lang siyang busy sa pag-aaral na maski pagtingin sa iba ay wala na siyang oras.

"Aanhin mo ang kapogian kung hindi kasing galing ni Sir Guino-o. Diba?"

Tumango siya.

"Pam. Ayos naman ang trabaho mo?" Tanong ni Sam. Isa siya sa mga kaibigan ko.

PamelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon