Chapter 6

81 6 0
                                    

Late

"Pamela, may naisip ka na ba sa talent portion mo?" tanong saakin ng kaklase ko, si Gabriel.

Si Gabriel ay kaklase ko na simula first year college ako hanggang ngayong 4th year college. Ngayon, tinatanong niya ako kung anong talent ang gagawin ko sa contest. Kaming dalawa kasi ang representative ng section namin sa Mr. And Ms. JPIA.

Tumingin ako sa kanya."Kakanta at sasayaw ako." I said.

Lumaki naman ang kanyang mata at napatakip ng bibig." Wow girl! Talented ka naman pala!" paghanga niyang sabi.

Tumawa naman ako."Hindi no. Marunong lang konti." humble kong sabi.

Tumingin naman ako sakanya."Ikaw? Anong talent mo?" sabi ko.

Ngumisi siya."Kakanta ako pero nakapangbabae akong suot, girl!"bulalas niya.

Natawa naman ako." Wow! Alam na ba ng parents mo na hindi ka isang Gabriel pero isa kang Gabriela?"natatawang tanong ko.

"Joke lang, girl. Kakanta ako. Pwede din sumayaw pero gusto ko sana iyong pambabaeng sayaw," Tumawa siya."Kaso hindi pwede." dagdag niya.

Matagal ng tinatago ni Gabriel ang tunay niyang nararamdaman. Pusong babae siya. Napansin na namin ang kanyang malambot na galaw simula pa nung first year college pa kami kaso that time he was in denial. Pero last year lang ay umamin na siya sa amin na isa siyang sirena. Hanggang ngayon, hindi pa alam ng parents niya about sa tunay niyang pagkatao.

Ngumiti naman ako sa kanya."Alam mo Gabriel, bakit hindi mo subukan sabihin sakanila ang totoo? Tingnan mo, mas lalo kang nahihirapan." sabi ko.

"Girl, kilala ko iyong mga mga magulang ko. Inaasahan nila na mabibigyan ko sila ng apo lalo na't nag-iisa nila akong anak."malungkot niyang sabi.

Bahagya ko naman siyang hinawakan sa kamay, to show my sincerity sa pinagdadaanan niya."Pero hindi maikakaila na anak ka nila. Alam ko, maiintindihan ka nila. Kailangan mo lang sabihin ang totoo na ganyan ka. Sabihin mong nahihirapan ka na. You can't bloom if you're not your self." dagdag ko.

"Hayaan mo na, girl. In time, malalagpasan ko din 'to!" matapang niya sabi.

After that, pinagusapan din namin ang mga costume namin at iba pa na related sa contest. Hindi rin maiwasan ang tumawa tuwing kausap ko siya. Marami siyang problema pero kaya niyang magpatuloy sa buhay para magpatawa sa ibang tao.

Tumingin ako sa kanya. He is strong person. Nakikita ko rin sa kanya ang katulad ko. We are happy outside but deep inside we're not really okay.

"Girl, bakit ka tulala saakin ha? May gusto ka sakin no? Girl, nako ha! Hindi tayo talo. Ayoko sa tahong! Eeew." pabirong sabi niya.

Natawa ako konti."Baliw ka."

Pagkatapos ng konting pag-uusap namin ay umalis na siya. Andito kasi ako sa hallway nakatambay. Mamaya na ako papasok sa klase, maaga pa naman.

Maya maya, pakiramdam ko may nakatingin saakin. Tumingin ako sa aking left side. Nagulat ako. Si Sir Kyle! Kanina pa kaya siya nakatingin saakin? I smiled shyly. Naalala ko kasi ang pangyayari kagabi. He texted me! Namula ako.

Napansin ko naman ang seryoso niyang mukha. Umigting ang panga niya. Pagkatapos, umalis na siya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon na pinakita saakin ni Sir Kyle. Pero kahit ganoon, masaya ako. Masaya ako kasi nakita ko siya ngayon.

Ilang minuto ang nakalipas ay napagdesiyon ko ng pumasok sa klase. Hindi ko na inisip ang ibang bagay kundi ang mga discussions lang.

Pagkatapos ng klase ko ay umuwi na ako agad. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa katawan. Agad naman akong nakatulog pagdating ko. Maaga na naman ako bukas para sa trabaho ko.

PamelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon