Chapter 5

73 4 0
                                    

Selos

Pagkatapos nagpaalam si Sir Kyle ay saktong pumasok si Ma'am Velasco sa faculty. Nagtagal pa kami ni Ma'am doon ng konti para tapusin ang natitirang mga test papers at umuwi na. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari ang mga sinabi ni Sir Kyle kagabi. Hindi ko alam kong sino iyong dapat niyang bantayan at tila seryoso siya sa sinabi niyang iyon.

Palaisipan rin sa akin ang reaksyon niya kagabi nang nalaman niya na sasali ako sa Mr. and Ms. JPIA. Tila hindi lang siya makapaniwala na ang isang tulad ko ay sasali sa isang beauty pageant. Pakiramdam ko tuloy, tuwing iniisip ko yun, nawawalan ako ng kompyansa sa sarili.

After ko matapos sa trabaho ko ngayon ay agad akong nagpalit ng damit at pumasok na. Medyo maaga pa kaya bago ako pumasok ay dadaan muna ako sa lagoon para bumili ng makakain. Bago ako pumasok sa lagoon ay nahagip ng paningin ko ang isang magarang kotse na kakapark lang. Napakaganda ng kotse, mukhang mamahalin.

Papasok na sana ako sa lagoon nang napansin kong bumaba si Sir Kyle mula sa kotse. Napatakip ako ng bibig. Bigla tuloy lumakas ang pintig ng puso ko. Damn. Simpleng polo shirt lang ang suot niya pero sobrang lakas ng dating niya. And sobrang swabe ang datingan niya ngayon! Ngumiti ako. Masaya ako na makita siya.

Pansin ko rin ang mga estudyante na bahagyang tumingin sa kanya.Pagkatapos niya bumaba ay dumiretsyo siya sa passenger seat. Mukhang hindi siya nag-iisa. Binuksan niya ang pinto at tumambad mula roon ang isang napakagandang babae. Isang mestisang babae na may malalaking dibdib at pwet. Napasinghap ako bigla.

Ngayon, pansin kong mas maraming napatingin kay Sir Kyle dahil gwapo na may magandang kotse na may magandang babaeng pang kasama.Talagang maagaw ang atensyon ng karamihan.

Ngumiti naman agad si Sir Kyle sa babae. May sinabi iyong babae sa kanya ng naging dahilan ng tawanan nilang dalawa. Hindi nila alintana kung may mga tao sa kanilang paligid. Parang may sarili silang mundo. Iginaya ni Sir Kyle ang babae at sabay silang pumasok. Sinundan ko sila ng tingin hanggang mawala sila sa paningin ko.

Sumikip bigla ang dibdib ko.

"Uy, si Sir Kyle at Miss Jasmine iyon diba?" sabi ng katabi ko.

"Bagay sila ni Sir Kyle no? Parehas silang mayaman at matalino."

"Oo nga. Parehas din sila na nagtuturo sa College of Accountancy. Bagay na bagay talaga sila." sabi ng dalawang babae na katabi ko.

Napatingin naman ako sa dalawang babae na nag-uusap. Mukhang kinikilig sila sa kanilang nasaksihan. Tuwang tuwa sila sa nakita. Pero baligtad ang nararamdaman ko. Tila may tumutusok sa aking puso. Ang saya na naramdaman ko kanina ay tila napalitan ng lungkot at pagkadismaya.

Bumabalik sa aking isipan ang nasaksihan ko. Iyong ngiti at uri ng tingin niya sa babae ay mapagkakamalan talagang may gusto siya sa babae. Sabi na nga ba, ganon ang mga tipo niya. Maganda, maputi, may magandang katawan. Iyong babae na masasabing "a grown lady" which is hindi ako ganon. Tumingin ako sa sarili. Lahat ng pisikal na anyo ng babae ay kabaliktaran ko.

Damn. Bigla tuloy ako nanlumo. Parang wala na akong ganang kumain pa. Dumiretsyo na lang ako sa room.

Hanggang sa nakarating ako sa klase ay nanatiling akong tulala. Paulit ulit nagrereplay ang pangyayaring natuklasan ko kanina. Nakakapanghina ng loob.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. Naninikip ang dibdib ko na tila nahihirapan huminga.

Bumuntong hininga ako. Sa tuwing nagtatama ang aming mga mata, umasa ako na iba ang tingin niya saakin kumpara sa iba. Pero ngayon malinaw pa sa araw na walang malisya iyon. Kung dati kailangan ko siyang iwasan dahil prof siya. Ngayon, mas lalo ko dapat siyang iwasan dahil may girlfriend na siya. Kailangan ko siyang iwasan, dahil ayokong masaktan.

PamelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon