Chapter 1

114 4 0
                                    

Pamela

Kinaumagahan ay nalate ako ng gising. Bago pa kasi ako natulog kagabi ay nag-aral pa ako. May pagsusulit mamaya kaya kailangan ko maghanda. Shit! 5:30 na! Alas sais simula ng duty ko!

Pagkatapos ko mag-ayos ay umalis na ako kaagad sa bahay. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga kasamahan ko sa loob. Bago ako pumasok ay nginitian ko ang security guard ng store. Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nag time in na ako agad pagkapasok ko sa loob at nagbihis ng uniform pangcrew after. Tatlong minutos akong late pero ayos lang.

"Good morning!" bati ko sa mga kaworkmate ko.

"Good morning din. Mukhang maganda ang tulog mo ngayon ha? Sino yan ha? May nilalandi ka na no?"si kuya Alex.

Tumawa naman ako. Si kuya Alex ang isa sa pinakaclose ko dito sa trabaho. Siya ang pinakamatanda na crew at siya na rin ang pinakamatagal. Siya ang kuya kuyahan ng lahat. Tinagurian din namin siyang "Man of Wisdom."

"Ano ka? Wala no! Busy ako sa pag-aaral. Wala na akong time para diyan Kuya!" sigaw ko.

Sa lahat ng kaworkmate ko, ang pinakamabait ay si kuya Alex. Mahilig siya magpayo dahil marami siyang mga pagkakamali sa buhay na kung saan gusto niya maging leksyon ito sa amin.

"O bakit parang defensive ka? E nagugustuhan?" pilit niya.

" Wala!"

Ilang beses na rin nila ako tinatanong kung may nagugustuhan na akong lalaki. Ilang beses ko na rin sinabi na wala. Hindi pa rin talaga sila naniniwala na hanggang ngayon wala naman talaga.

"Sus! Sa ganda mong iyan? Walang nagkakagusto? Baka nililihim mo sa amin ha? Ikaw Pam, kahit hindi ka mukhang crew at ikaw ang muse namin dito, kailangan mo pa rin magsabi sa amin ng totoo!" si kuya Dan. Isa sa mga kaworkmate ko.

Natawa naman ako sa mga iniisip niya. Ako kasi ang pinakabata dito kaya tinuturing nila akong nakababatang kapatid. Sila din ang tumutulong sa akin tuwing nahihirapan ako sa trabaho. Pero higit sa lahat, sila ang tagapagtanggol ko pag may times na binabastos ako ng customer.

"Hindi kuya Dan! I know my priorities"

Si kuya Dan ang pinakamasayahin dito sa store. Kaya maraming natutuwa sa kanya dahil sa pagiging masayahin niya. Siya ang nagbibigay goodvibes dito lalo na 'pag stressful ang trabaho.

"Ikaw Pam. Huwag ka magboboyfriend. Focus ka lang sa work mo and school. Sagabal lang ang syota sa pag-aaral." payo ni kuya Alex.
I know my priorities kaya hindi na kailangang pagsabihan ako. Pero minsan, its nice to feel that may nagpapayo rin sayo. In that way, I feel like may nagcacare sa akin kahit papano.

"Good morning ma'am/sir. Whats your order?"

Hanggang sa natapos ang trabaho ko ay puro ganon ang panimula ko tuwing may darating na customer. My work really needs my 100% lalo na nasa front liner ako ng store which is counter. Kahit pagod ay dapat nakangiti pa din sa mga customer. May mga pagkakataon na sobrang nakakapagod ang trabaho ko lalo na 'pag puyat ako sa pag-aaral. Pero kahit ganoon, I still give my best. My work is very important to me.

"Thank you ma'am/sir. Come again."

Iyon naman ang aking sinasambit sa huli pagtapos lumisan ang customer.Mabilis natapos ang trabaho ko.  Medyo stressful pero ayos lang. Napakadaming customer ngayon  lalo na pag sumasapit ang tanghali. Halos mapuno ang store at halos puro mga estudyante ang kumakain dito.

Hindi ko rin maiwasan na mapangiwi minsan sa ingay ng mga tao. Pero kahit ganon I remain calm and still smiling. Bago ako umalis ay kumain muna kami. Kasama ko sina kuya Alex, kuya Dan at ate Jessica.

PamelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon