Chapter 9

105 0 0
                                    

Chapter 9

Question and Answer

Lahat ng mga contestant ay nagsibalikan na sa backstage. Inannounce kasi na magkakaroon muna ng short break para may oras pang magretouch at maghanda sa susunod na portion. This will be the second of the last part of the contest which is the night gown portion.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, bakas sa aking mukha ang kasiyahan at kalungkutan. Masaya ako dahil  marami ang humanga sa pinakita kong talento. Kahit ang mga supporters ng ibang candidates ay nakita kong nagcheer din sila sa akin. I am really overwhelmed.

This kind of atmosphere is very new to me. I don't know how to feel.

Bahagya akong ngumiti pero agad din akong nalungkot. Tuwing naalala ko ang reaksyon ni sir Kyle kanina habang kumakanta ako, pakiramdam ko ito na ang huling araw na aasa ako sa kanya. Alam kong hindi siya tanga para hindi lubos maramdaman ang mensaheng gusto kong ipahiwatig. Buong performance ko sa stage ay sa kanya ako nakatingin. Alam kong alam na niya.

I can't undo the time but I don't regret anything. Mas maganda na maging klaro ako ngayong maaga pa. At least, mas maaga rin akong makakamove on sa kanya.

"Pamela!"

Nawaksi ang aking pag-iisip nang nakita ko sina Sid at Sam na nakangiti sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko.

I smiled.

"Congrats Pamela! Panalo ka na!"

I frowned. "Ano ba kayo! Hindi pa tapos ang laban!"

"Sus! Alam naman nila na ikaw na ang panalo! Nakita mo 'yong reaksyon ng ibang supporters nila? Mas malakas pa nga sila magcheer sa'yo kaysa sa amin e!" Sid laughed.

"Kahit na no! Hindi pa rin ako makakampante hangga't hindi pa tapos ang contest!"

Tumango siya.

"You have to retouch now, girl!"

Binuksan niya ang make up bag at nagsimula na rin siyang maglagay ng powder sa aking mukha nang bigla niya akong tanungin tungkol sa nangyari kanina.

"Anong nararamdaman mo habang kumakanta ka kanina?"

Iniwas ko ang tingin ko sa salamin at bahagyang tumingin sa kanya. Umayos naman ng tayo si Sam sa likod ko.

"Ayos lang. You know, wala naman akong ineexpect mula sa kanya. Ang importante ay nasabi ko ang nararamdaman ko through singing."

Tumango siya. "Paano kung may gusto rin siya sa'yo?"

"Imposible."

"Walang imposible Pamela."

Sumimangot ako. "Ayokong umasa."

Nagtinginan sila ni Sam at sabay rin silang ngumiti. Bahagya rin umiling si Sam na para bang may sarili silang lengwahe na hindi ko maintindihan.

Binalik ni Sid ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Tapos na! Galingan mo ha lalo na sa question and answer!"

Kinabahan ako bigla. "I will be honest."

"Yes, Goodluck."

Ngumiti ako. Nang natapos ako sa pag-aayos ay umalis na sila sa backstage at bumalik sa kanilang mga pwesto. Kasalukuyan kong suot ang gown na binigay ni Sid sa akin. This gown is the most beautiful gown I've seen in my life. It is color red with slit in the left side which it slightly shows my leg.

Ilang sandali pa ang nakalilipas ay nagsimula na ang night gown portion. Kinakabahan ako dahil makikita ko ulit si sir Kyle. I inhaled deeply. Hindi dapat ako magpaepekto, my emotions shouldn't overcome me. I need to focus, marami ang nagtitiwala sa aking kakayahan so kailangan kong magtiwala sa sarili ko ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PamelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon