°°°
May isang lalaking tahimik na nagmamasid sa syudad na maliwanag sa gitna ng gabi dahil nakabukas na ang mga ilaw nito.May hawak itong baso ng red wine at taimtim na nagtatanong sa sarili kung ano nga ba ang mga pangyayari.Hinawakan nito ang dibdib nito kung saan naroon ang kanyang puso at huminga ng malalim."Ahmet Sebastian Cristobal ang ngalan ko,ako ang kasama mo,ngunit bakit ang ngalan niya ang pilit mong winiwika?Sino ba talaga ang mahal mo?Ha!Fayre Victoria Hamsini!Bakit mo ba ginugulo ang isipan ko!?"sigaw nito na halos ikaputol ng kanyang hininga.Napahinga na lamang ito ng malalim at napahagulgol ng hindi mawari.Kitang kita sakanyang mga mata ang sakit na kanyang nadarama dahil sa pagmamahal sa isang babaeng hindi niya alam kung ganun din ba ito sakanya.
"Sino ka ba ha!?Sino ka ba para saktan ako ng ganito!?Mas maganda pang hindi nalang ako nabuhay!Mas maganda pang hindi kita nilapitan!Kung alam ko lang,kung alam ko lang"wika nito sa pahina ng pahina na boses hanggang sa nabitawan nito ang basong hawak niya at napaluhod.Napaupo nalang ito sa panghihina at napatawa ng malakas na tila ba nababaliw kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan na tila ba'y nagagalit din sa kaniyang dinadanas.
"Sino ka ba?Bakit paggising ko mahal na kita?Ano bang nilagay nila saakin habang natutulog ako?Pwede bang tanggalin nalang nila kahit na ikamatay ko?Kasi ganun din naman eh!masasaktan lang ako hanggang sa piliin kong mamatay nalang ako."
°°°
A heart for a man who lost in reality.And for a girl who seeing her love personality in somedy else.
Kapag ba binigyan ka ng panibagong puso,panibagong pagmamahal rin ang makukuha mo?
Posible bang mahalin mo rin ang taong minamahal ng taong nagmamay-ari ng pusong iyon ng higit pa?
Posible bang maramdaman mo ang nararamdaman ng taong yun bago pa siya mamatay?
Posible bang maalala mo ang alaala ng taong iyon at akalain na ikaw mismo ang nandoon?
Papano pag minamahal mo ang taong mahal nito?
At paano kung ang taong minamahal mo ay mahal parin ang nagmamay ari ng pusong bumuhay sayo?
Tutuloy ka parin ba?
Kahit na....
Sa tingin mo ay minamahal mo lang siya ng dahil sa puso na nagbigay ng tyansa sayo na mabuhay muli?
At kahit na...
Sa tingin mo ay may nararamdaman din siya saiyo ngunit hindi dahil sa pagkatao mo kundi dahil sa pagkatao ng taong minamahal niya na namumutawi sayo?
O.
Titigil ka nalang?At lalayo?
Dahil ang pagmamahal sa taong iyon ay katumabas nadin ng....
Pagkalimot ng pagkatao mo at pagpapanggap bilang isang taong kahit kailan ay hindi mo naisipan na magiging ikaw.
At.
Pagkabuhay sa kasinungalan na pilit ginagawang katotohanan para takbuan ang kasakitan.