°°°
May dalawang lalaki na nakatayo sa isang rooftop.Ang isa ay nakatuxedo at ang isa naman ay naka tshirt na black na may suot na cap.Tahimik lamang silang nakatayo ng magsalita ang lalaking nakaitim."Bakit hindi mo sinabi?"napatingin naman ang lalaki ng may pagtataka sa sinabi ng lalaki.
"Ano yun?"tanong nito ng may kaba.Nakita niya ang pag igting ng panga nito at ang pagsara ng kamao niya.
"Bakit hindi mo sinabi!?Alam kong hindi ka tanga Aiden!Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko."inis na sigaw nito na ikinatawa niya.
"Ano bang nangyayari sayo?Ano ba yun?Diretsuhin mo kaya ako ng maintindihan kita kahit papano."mahinahon na wika nito ngunit nagulat nalang siya ng hawakan siya nito sa kwelyo.
"Kaibigan kita,pero paano mo nagawang traydurin ang factory na alam mong ikinabubuhay ng madaming tao!?Hindi ko alam kung tanga ka o ano.Pero paano!?Ikaw ang naglagay ng hindi magandang kemikal sa factory hindi ba!?Ikaw ang naglagay ng bagay nayon para ipalabas na pangit ang mga produkto at nakakasira yun sa katawan ng tao!?Alam mo bang dahil sa ginawa mo nasira na ng tuluyan ang factory!?O alam mo at nagbubulag bulagan ka lang!?Sumagot ka!"sigaw nito na ikinalaki ng mata ng lalaki.
"HAHAHAHAHA,Hindi ko alam na ganyan ka katalino."tawa ni Aiden sa taong kaharap niya na ngayon ay inis na inis na.
"Pa..pano mo t-to nagawa?"hindi makapaniwalang tanong nito ngunit nagulat nalamang siya ng napaluhod ang lalaki at umiyak.
"B-Bon,tulungan mo ako,wala dapat makaalam nito"humahagolgol na wika nito ngunit hinawakan lamang ng lalaki ang kwelyo nito.
"Ang lakas ng loob mong umiyak at humingi ng tulong pagkatapos ng ginawa mo.Kaibigan kita Aiden pero hindi ko kukunsitihin ang ginawa mo dahil hanggang ngayon wala parin itong lunas.Hindi ko alam kung ano ang rason mo pero siguraduhin mo na kapatawad tawad yan."wika nito at umalis na.
°°°
Gabi na ng makauwi si Fayre dahil may pinuntahan pa siya.Nasa unang baitang palamang siya ng bigla nalamang may dumating na kulay black na kotse at lumabas dun ang dalawang lalaking nakablack na tuxedo.Hinawakan siya ng mga ito sa magkabilaang braso at pilit na pinasok sa kotse."H-Hoy!teka lang!Sino kayo!?Hoy!Bitawan niyo ko!Tulong!"sigaw pa nito ngunit wala naring nagawa ng tuluyan na siyang napasok sa kotse.Nagingay pa ito sa ilang minutong dumaan ngunit wala namang pumansin kaya napahinga nalamang ito ng malalim at tumingin nalamang sa bintana.
Tahimik na nakaharap lang si Fayre sa harap ng malaking pintuan.Sa gilid ng magkabilaan na ito ay may dalawa pang lalaking naka tuxedo at ang mga kumuha naman sakanya kanina ay nasa likod niya.Kinakabahan man ay tinulak niya ang pintuan gamit ang silver na knob nito.
Bumulagta sakanya ang napakalaking opisina na may isang couch set na kulay puti may isang desk din sa gilid kung saan may nakalagay na "Mr.Ahmet Sebastian Cristobal".Glass wall din ang nasa buong harap niya at tanging ilaw lang ng mga building ang makikita at ibang mga kotse na medyo siksikan dahil traffic.Sa gilid din ng glass wall nayun ay may balcony na may glass door at white na curtain.Puti din ang kulay ng buong pader.
Napatigil naman si Fayre sa pagtingin sa buong paligid ng tumigil ang kanyang paningin sa isang lalaking naka blue tuxedo at nakaupo sa desk niya at nakabaling ang tingin sa glass wall.Aalis na sana siya ng malamang siya ang nagpakuha sakanya ngunit nagsalita ito.
"Leave us alone"matigas na wika nito at bago pa makapagreact ang babae ay nakaalis na ang mga lalaki kanina at naiwan na silang dalawa.
"Anong gusto mo?"tanong nito kaya bumaling sakanya ang lalaki at lumapit rito.
"Be my secretary,sabihin mo lahat sakin ang sekreto ng tito ko.At sabay natin siyang pababagsakin"diretsahan nitong wika na nagpaestatwa sa babae.
"Alam kong nagkukunwari kalang na may pake ka sa tandang iyon at alam kong may interest ka kaya magtulungan tayo."nakangiti nitong wika na nagpakuyom sa kamay ng babae.