°°°
May babaeng nakayakap saakin habang nakahiga ako.Halata rito ang pag iyak niya o sabihin na nating paghagulgol dahil sa mga balikat niyang gumagalaw at sa dibdib kong basa na.Mahaba ang buhok nito na kulay itim,bagsak din ang buhok niya.Hinaplos ko ang buhok niya na para bang pinapatahan siya kaya nakita ko ang butterfly clip sa buhok niya,kuloy gold ito at katamtaman lamang sa laki.Napatingin rin ako sa paligid to see na kulay puti ang lahat."Wahhhh!wag mo____iwan lu__ban ka___!"sigaw nito ngunit malabo ang pagkakarinig ko kaya hindi ko masyadong maintindihan.Sigaw lamang ito ng sigaw habang umiiyak kaya hinaplos ko muli ang buhok niya ng dalawang beses kaya napatatingin ito saakin.Ngunit pag angat niya ng mukha niya ay mas lalong lumabo ang pangyayari ngunit nakita ko parin ang makintab na tumutulo sa mga pisngi niya.
Sa lahat ng nangyari isa lang ang malinaw....nasasaktan ako.
"Doc!gising na si Sebastian!"rinig kong sigaw ng isang lalaki at alam kong ang secretary ko ito.
"Sebastian!ok ka lang?Hoy!Sebastian sumagot ka!"rinig kong sigaw muli nito habang tinatapik pa ang mukha ko.Napamulat ako ng bahagya at inis na tumingin rito.
"Sebastian!!!!"sigaw nito na para bang naiiyak kaya sa sobrang inis ko ay nasapok ko ito.
"The hell!Natulog lang ako saglit kung makasigaw ka diyan!Tsaka anong Sebastian!?Ha!?"asar na sigaw ko rito na nagpalaki ng mata nito at bigla nalamang umiyak.
"Waahhh!Sebastian ikaw nga yan!Namiss kita huhuhuh!"iyak nito at umambang yayakapin pa sana ako ngunit agad ko itong sinapok at tinignan ng masama.Ng bigla nalamang may nagsalita sa gilid ko.
"Kamusta ka na iho?"nakangiti nitong wika.Tinignan ko lamang ito at napapikit sa sakit ng ulo ko.
Nakayakap lang saakin ang babae habang umiiyak at pilit winiwika na wag ko raw itong iwan.
Yung babae,sino yun?Bakit niya ako iniiyakan?Hindi ko naman siya kilala,at hindi familiar ngunit bakit niya ako iniiyakan?
Inikot ko ang paningin ko sa buong silid at umaasang makikita ang babaeng iyon ngunit wala akong nakita ni anino nito.Mga nurse lamang ang narito at nakapalibot saakin,meron din tumitingin ng life machine at yung iba naman ay chinecheck ako.May nagtatanong din saakin kung ayos lamang ako rito ngunit hindi ko ito sinasagot ni tignan man ay hindi ko ginawa.Nakatingin lamang ako sa pintuan,inaasahan na may pumasok na babae rito na may mahabang black na buhok.Matagal ko itong tinignan at hindi pinansin ang mga nagtatanong saakin,naririnig ko rin ang iyak at sigaw ni Botch na secretary ko,ngunit wala akong ginawa kundi ang umasa na may pumasok run.
Mahigit limang minuto akong nakatingin rito at tanging ingay lamang ng mga nurse na nagtatanong saakin ang naririnig ko ng dahan dahang bumukas ang pintuan.Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa door knob,may puti itong relo na bumabagay sa maputi niyang balat.Siya na ba ito?Nakita ko ang tuluyan na pagbukas ng pinto at pumasok roon ang isang babaeng nakaputi na pang nurse at may hawak na board.Napatingin ako pataas ngunit laking pagkadismaya lamang ang nakuha ko ng makita ang black short hair nito.Isang ordinaryong nurse lamang ito.tss...
"Sebastian,ijo,ayos ka lang ba?Sumagot ka ijo at kami ay nag aalala na"rinig ko ang mahinahong tanong ng doctor na kanina pa akong tinatanong,tumango nalamang ako at tumingin rito.
"Ayos lang ako.Pwede bang iwan niyo muna ako?Gusto kong magpahinga"walang gana kong sagot kaya nagkatinginan sila,ang ibang nurse ay tuluyan ng umalis at ang tanging natira ay ang doctor kasama ang dalawang nurse na lalaki at si Botch.