Chapter one.
°°°
May isang babaeng tumatakbo papunta sa isang factory ng may makasalubong siyang mga trabahador na hinarang siya.
"Nasaan sila?Anong nangyayari?"hindi mapakaling wika nito kaya hinawakan siya ng isang lalaking sa magkabilaang balikat upang huminahon ito.Napahawak nalamang ang babae sa kanyang noo at parang maiiyak na.
"Nasa loob sila Mang Den,may mga lalaki kasi kaninang bigla nalamang pumasok rito at mukhang mga negosyante.Pilit nila kaming pinapalabas sa factory at mukhang nagkakagulo naroon"ng marinig ang mga sinabi ng lalaki ay yumuko ito bilang paggalang at agad na itong tumakbo papaloob sa factory at makita ang isang lalaking nakaputing tuxedo at nasa likod naman nito ay mahigit nasa twenty na katao na naka black tuxedo naman.May kausap itong lalaki at halos sumigaw na ito kaya napatingin siya rito para makita si Mang Den na nakikipagsagutan din.Agad siyang tumakbo papunta rito at humawak sa braso nito upang pigilan sa balak nitong pagsuntok.
"Oh!Fayre nandito ka pala?"nakangising wika ng lalaking nakaputi.
"Ano bang gusto niyo!?Wag nga kayong manggulo dito!"sigaw nito na ikinatawa naman ng lalaki.
"Walang gulong magaganap kung aalis kayo.Dahil para sabihin ko sainyo binenta na ang factory na ito na pagmamayari ng TITO ko.Ngunit kung makaasta kayo parang kayo ang mayari nito ha?"nakangising wika pa nito na ikinapantig ng tenga ng babae na nagngangalang Fayre at itinulak ang lalaking nakaputi.
"Para sabihin ko din saiyo,kami ang dahilan kung bakit nabubuhay ang factory na ito.Pano nalang kung wala kami,edi kasi sira ang negosyo ng TITO mo!?"matapang na saad nito na ikinahalahak nito at napapalakpak.
"Dapat na ba akong matakot?Oo nga kayo nga ang bumuhay ng factory na ito,ngunit ngayon malapit na itong mamatay.Wala ng nagtitiwala sa paktoryang ito dahil sa kemikal na nakita nilang nandito.Ngayon may maihaharap pa bang pagmumukha ang paktoryang ito?ha!?"nakangising saad nito na medyo tumatawa.Sasagot pa sana ang babae ng bigla nalamang may sumuntok rito para makita niya ang kanyang kasintahan na nakatayo na sa harap niya.
"Bon"mahinang sambit ni Fayre na ikinatingin ng lalaki at ngumiti ng bahagya.
"Tss...ikaw na naman?Para sabihin ko sayo hindi ka pa absuwelto sa kasalanan mo"wika nito at pinunasan ang labi na may dugo gamit ang likod ng palad nito.
"Ako pa talaga ah?Para sabihin ko saiyo ikaw ang may kasalanan kung bakit nabangga ng motor ko ang kotse mo!Ikaw ba naman tong bigla nalang aatras."inis na wika nito lalo na ng maalala ang parusang nakuha niya,one week suspended siya sa trabaho lalo na't pulis ito at kaya sinasabi ng lalaking nakaputi na hindi pa siya absuwelto ay dahil sa hindi niya pinagawa ang gasgas sa likod ng kotse niya na gawa ng pagkakabangga.
"Tss...bakit ba ang hirap niyong kausapin?Pinapaalis ko kayo ng maayos pero kasing tigas ng bato ang mga ulo niyo kaya pasensyahan nalang tayo"nanggigil na wika nito at itinaas nito ang kamay nito na simbolo sa kanyang mga kasama na paalisin ang mga tao sa loob.Ng dahil dun nagkagulo ang lahat may mga nagsuntukan,nagtulakan,nagsigawan ngunit ang taong nakaputi ay nakatayo lamang sa gitna na tila walang pakiramdam at awa sa mga taong nasasaktan.
°°°
"Hintayin niyo ang abogado ko"matigas na wika nito ng bigla may isang lalaking sumisigaw papunta rito at agad siyang hinawakan sa ulo at tinignan sa buong katawan.
"Ok kalang boss,wala bang masakit sayo?O kaya mga bali?Boss,magsalita ka!"nagpapanick na wika ng isang lalaki na medyo maliit at naka attire din,gigil naman na tinampal ng lalaki ang kamay nito at umayos ng upo habang ang dalawang kamay ay nasa hawakan ng upuan.