Chapter two

0 0 0
                                    

°°°
Nasa harap ng isang building si Fayre sapagkat pupuntahan niya ang may-ari ng factory upang kausapin siya tungkol dito at dahil narin sa secretary siya rito.Napatingin siya sa pinakaibabaw ng building kung saan nakasulat ang malaking pangalan nito.

"Cristobal Corporation"wika ni Fayre at pumasok na sa pintuan.Agad itong sumakay sa elevator kung saan siksikan ang mga empleyado upang pumunta sa floor kung saan sila nagtratrabaho.Umaga palamang kasi at nagmamadali ang lahat ng tao para hindi malate sa trabaho nila.Paubos ng paubos ang mga tao sa elevator sa bawat tigil nito sa mga palapag hanggang sa naiwan na siyang mag-isa dahil sa 20th floor palamang siya.Ngunit ng tumigil sa 15th floor ay may pumasok na isang lalaki na nakablue attire.Nakita ni Fayre ang pagngisi nito ng makita siya.

"Hmmm....look who's here."wika nito sa tono ng pangaasar na inirapan lamang ni Fayre.

"Are you talking to me?"mataray na wika nito ikinahalahakhak naman nito.Humakbang ito ng humakbang hanggang sa nacorner na nito si Fayre.Ikinilong niya ang babae sa dalawa niyang bisig at inilapit niya ang kanyang mukha.

"Dapat ba ganito ako kalapit kapag kausap kita para malaman mo na ikaw ang kausap ko?Kasi para sabihin ko sayo dalawa lang tayo rito."nakangisi nitong wika at hinawakan niya pa ang chin nito ng biglang tumunog ang elevator.

Ng mapatingin si Fayre sa taas nakita niyang 20th floor na iyon kaya nagbalak na siyang umalis ng hilahin siya ng lalaki at pinindot ang ground floor na ikinalaki ng mata ni Fayre.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Sebastian!?"inis na sigaw nito na tinaasan lang ng kilay ni Sebastian at sumandal sa elevator.

"May pupuntahan tayo,and don't you dare calling me Sebastian.Kahit papano mataas parin ang posisyon ko sayo and if i know secretary ka ng walang hiya kong tito.tama ba ako?"walang emosyong wika nito na nakatingin lamang sakanyang sapatos na ikinainit ng ulo ni Fayre.Pumunta ito sa harap ni Sebastian at idunuro ito.

"Hoy!Mukha ba akong sapatos at dyan ka nakatingin ha!?"singhal nito na ikinangisi ng lalaki.

"Tinanong mo man lang ba kung ikaw ang kausap ko?"wika nito ng may ngiting nakakaloko.

"D-Dalawa lang na-*ting"hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng tumunog ang elevator.Hinila naman siya ni Sebastian at pumunta sa parking lot kung saan nandoon ang kanyang sasakyan.Pinindot niya ang remote niya at agad na binuksan ang passenger seat at pabagsak niyang pinasok dun si Fayre kasabay ng malakas na pagkasara ng pintuan nito.Napahinga nalang ng malalim si Fayre lalo na't alam niyang naka lock ang pintuan ng kotse kaya hindi siya makalabas.Pinagmasdan nalang niya si Sebastian na umikot papunta sa Driver seat at ang pagbukas nito ng Engine.

"May karapatan naman siguro akong malaman kung saan tayo pupunta diba?"malamig na wika ni Fayre habang nakatingin sa bintana,ilang minuto nadin kasing nagdr-drive ang lalaki ngunit ni salita wala itong pinakawalan.

"May guguluhin lang tayo ng konti,konti lang naman wag kang mag-alala"seryosong wika nito habang tutok na tutok sa pagmamaneho.Napahinga na lamang siya ng malalim sa kaalamang wala siyang makukuhang impormasyon.

Napatingin siya sa lalaki ng mag park ito sa isang kilalang mall.Agad itong bumaba at binuksan ang passenger seat atsaka siya hinila.

"Hayss...bitawan mo nga ako,ano bang tingin mo saakin hindi marunong maglakad?"medyo inis na wika ni Fayre sapagkat kanina niya pa napapansin ang paghila sakanya ng lalaki.Hindi naman siya pinansin ng lalaki at nagpatuloy lamang sa paglalakad na ikinanguso nito.

"Alam niyo na ang gagawin niyo"walang emosyon niyang saad pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng isang shop.Napatango naman ang isang babae na may suot na red na damit na uniform nila.Humarap ito saakin at bahagyang yumuko tsaka ngumiti ng napakatamis.

HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon