°°°
"Ano bang gusto mo?"saad ng babae habang naglalakad sila ng lalaking naka hospital gown at may subong lollipop."Ikaw"nakangisi nitong saad at tinaas taas pa ang kilay nito ng may napansin.
"Anu ba yan,nagaya na tuloy ako sa kutong aso na yun tss..."wika nito ng mapatingin siya sa babae ng muli itong nag salita.
"Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin tapos dun?Tignan mo second life mo na ito pero ganyan ka parin"wika ng babae at tumingin rito.Umakyat ang lalaki sa bench at naglakad rito ng marahan habang hawak parin ang lollipop.Ng nasa dulo na siya ay humarap siya sa babaeng nakatayo lamang
at nakatingin sakanya."Sabi mo nga diba second life ko to so it just means na,kaya nabuhay pa ako dahil hindi pa tapos ang mission ko at yun ay ang pabagsakin ang tito ko"sabi nito at matamis na ngumiti.
"Pwede ba kung gusto mong pabagsakin ang tito mo wag nalang ako ang guluhin mo,pwede naman siguro hindi ba?Kasi meron pa akong dapat na gawin at yun ay ang...iligtas ang paktoryang pinapabagsak mo"sabi nito na ikinangisi naman ng lalaki.
"Hindi mo ba naisip kung bakit ikaw ang kailangan ko?Yun ay dahil sa madami kang alam sa tandang yun kaya pumayag ka na.At kung iniisip mo ang paktorya then let's have a deal.Tutulungan mo akong pabagsakin ang tito ko at tutulungan naman kitang isalba ang paktorya,ayos ba?Lilinisin natin ang pangalan ko katulad ng paglinis natin sa pangalan ng paktoryang iyun.Ngunit magagawa lamang natin iyun kung magtutulungan tayo"nakangisi nitong wika at pumalapakpak.
"Is that a great idea,sweety?"tanong nito ngunit nanahimik lamang ang babae.
"Kung sayo madali lang pabagsakin ang tito mo,para saakin hindi dahil tinuring ko nadin siyang ama.Gagawin ko ang lahat para maisalba ang paktorya,at gagawin ko yun kasama ang mga taong naging buhay na ang bagay na iyun.Kaya kong gawin yun ng wala ka pero naisip mo man lang ba na pwedeng masira ang pangalan mo kapag nalinis ko na ang pangalan ng paktorya."nakangising saad ng babae na ikinatawa ng lalaki.
"You are a smart girl pero ang tanong malilinis mo ba?Kung masisira man ang pangalan ko sa paglinis mo ng paktoryang iyun.Naisip mo man lang ba kung kaya kong sirain ang pangalan mo at ng tito ko?Napakadali lamang manira Fayre,at alam mo bang kung nagsiraan tayo ng pangalan pare pareho tayong mawawalan?Tito ko ang CEO at pag nasira ang pangalan nito sira na ang lahat.Kumbaga siya lang ang main target ko Fayre pero ikaw?Sino nga ba ang target mo?Ako?ang tito ko?ang paktorya?Alam mo bang madami ka pang kailangang gawin para maisalba mo ang paktorya?Pero ang tanong,kilala mo na ba ang may target sa paktorya?Kasi ako Fayre hindi paktorya ang target ko kundi ang kompanya.Ang tandang pinahahalagaan mo naman ay panatilihin ang pag ikot sa kamay niya ang kompanya.At ikaw naman ay ang masalba ang paktorya.Kumbaga,dalawa ang sisira at dalawa ang magsasalba.Kayong dalawa ng tito ko ang magsasalba at isa ako sa maninira ngunit nasaan ang isa?Naisip mo ba kung sino ang may gustong magpabagsak ng paktorya?Kasi apat ang bumubuo ng larong ito Fayre,apat.Ako na pabagsakin ang tito ko,ang tito ko nagpapanatili ng kompanya,at ikaw ay ang masalba ang paktorya,pero nasaan ang gustong magpabagsak nito?Naiinitindihan mo ba?Hindi ako ang kalaban mo kundi ang taong nasa likod ng chemical na nakita sa paktorya na nagsira sa pangalan nito.Tanong,kilala mo na ba siya?"mahabang wika nito habang nakangisi.Nanigas naman ang babae sa kinatatayuan niya.
"H-Hindi ikaw ang may gaw nun?"tanong niya na ikinatawa naman ng lalaki.
"Katulad ng sabi ko,ang kompanya lamang ang target ko.Bakit ko naman aalisan ng galamay ang kompanyang yun kung saakin ito mapupunta?Alam mo ang ibig sabihin nun Fayre?Ang kalaban mo...ay kalaban ko rin"sabi nito na nagpanganga sa babae.
"Pero bakit kailangan mo pang pabagsakin ang tito mo?"tanong nito na ikinangisi ng lalaki.
"Maliban sa nakakabwisit siya at ang sarap niyang patayin,yun ay dahil sa dapat kong unahan ang kalaban bago pa man ito makabangon at makalamang saakin"nakangising saad nito ng kainin sila ng katahimikan.